Advertisers

Advertisers

Walang takutan

0 391

Advertisers

Nakakuha na naman ng bala ang ilang kritiko sa pagtutuligsa sa ating pamahalaan nang ihayag ang pagsisimula ng bahay-bahay o house-to-house na paghahanap sa mga may kaso ng COVID-19.

Imbes na palawakin ang programa na tinatawag na Oplan Kalinga, nakuha pa ng ilan (kritiko at oposisyon) na manakot at sabihing ang programa ay para lamang ng dating Oplan Tokhang at ang mga pulis ang siyang mangunguna na naman sa pangangatok sa mga bahay-bahay upang humanap ng pasyenteng may COVID-19.

Maling mali po ito. Para malinaw at para hindi maligaw sa kasinungalingan ng mga mananadyang manakot, ito po ang katotohanan sa likod ng programang Oplan Kalinga. Ito po ay ‘contact tracing’, at walang bahay-bahay na katukan na magaganap.



Ang programa ay nanghihikayat na tao o Filipino na mismo (kung itinuturing mo pa ang iyong sarili na makabayan) ang siyang lalapit o mag-uulat na siya ay may nararamdamang mga sintomas ng COVID-19. O kung di naman kaya, mismong ang kanilang mga mahal sa buhay o kamag-anak na kasama sa kanilang tahanan ang mag-rereport ng kanilang kalagayan. At kung di pa rin, ay ang kanilang mga barangay officials na lang, ang magpapa-alam sa kanilang LGU (Local Goverment Unit) na mayroon silang residente na may COVID-19 na kailangang gamutin.

Lumaki lalo ang isyu nang i-lockdown ng LGU ng Navotas City ang buong lungsod bunsod ng pagdami ng nagkakaroon ng COVID-19 dahil na rin sa mga pasaway nitong mga residente. Matatandaan nating sumikat nga ang Navotas noong may Oplan Tokhang dahil pinamumugaran ito ng mga small time drug pushers at napakaraming drug users.

Subalit ang naglipanang mga pulis ngayon sa siyudad ay hindi para manghuli ng drug addicts, kundi ang sumita sa mga pasaway na mga residente na lumalabag sa mga alituntunin na dapat sundin upang makaiwas sa virus na nakahahawa at nakamamatay.

At ang pinakamahalaga, sa pambansang programang Oplan Kalinga, mga health workers, hindi ang mga pulis, ang mangunguna sa paghahanap ng mga may COVID-19 o mga may sintomas nito. Sabihin man nating magba-bahay-bahay sila, ang mga kasama nilang mga pulis ay aagapay lang sa kanilang seguridad at sa mga mismong residente ng lugar.

Ito ay upang matukoy na agad kung sino ang may tama o may COVID-19 upang maagapan ang pagkalat ng virus sa komunidad. Yan ang tunay na layunin ng Oplan Kalinga. Ang alagaan ang kalagayan ng lahat at iligtas sa panganib na dala ng virus.



Huwag niyo nang ipihit sa pananakot ang programa, mas mainam kung kayo ay tumutulong na lamang na paalalahanan ang lahat, kakilala, kaibigan, kamag-anak o kababayan. Tungkulin nating lahat, na magbigay kalinga sa ating mga kapwa, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Hindi magandang nananakot pa tayo, lalo lang gumugulo ang sitwasyon sa mga ganitong diskarte. May masabi lang na di maganda sa pamahalaan, ganung alam naman ng lahat na nanggugulo lang kayo.