Advertisers
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang nasawi habang walo ang sugatan at 12 pa ang nawawala sa nangyaring massive explosion sa Beirut, Lebanon kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang dalawang nasawi batay sa inilabas na listahan ng DOLE na sina Perlita Guillermo Mendoza at isang nakilala lamang sa Bularon dahil ang lahat ng kaniyang dokumento ay nasira sa naganap na pagsabog.
Ang 8 kumpirmadong sugatan naman ay nakilalang sina Marcela Balwis, Sarah jane Daraca, Urusula Villa, Imeda secular, Jomar D. Lagente, Graciano Erese Norma, habang ang dalawa pa ay hindi pa nakukuha ang kanilang mga pangalan.
Habang ang 12 namang pinaghahanap na unang sinabing 11 lamang na mga sea based workers ay nakilalang sina Jingle Alvez Buzeta, Abegail valdez, Analou region, Chuna Mae galve, Nestor Enrera, Michael Villanueva, Christopher Eller, Jordan Orobea, Dennis Tanzo, Ryan Jeonco, Rio Adoyo at Miriam Padrie.
Habang may dalawa pa umanong sugatan na nasa Philippine Embassy sa Lebanon na sina Jomar dela Gente at isa pa.
Nabatid na nasa 33,424 mga overseas Filipino workers ngayon ang nasa Lebanon kung saan 1,760 ang permanent migrant , 19,692 ang documented workers habang 11,9782 ang undocumented workers.
Karamihan o nasa 90 porsyento naman ng mga OFWs sa Lebanon ay nagtratrabaho bilang mga household service workers (HSWs) habang 882 ay naka-empleo bilang professionals, highly skilled at semi-skilled tulad ng engineers, nurses at software developers. (Josephine Patricio/Jocelyn Domenden)