Advertisers

Advertisers

OKEY NA ANG HEALTH WORKERS, PERO KAWAWA ANG MGA MANGGAGAWA

0 381

Advertisers

IKATLONG araw na ngayon ng “modified enhanced community quarantine” (MECQ), ikatlong araw na ring “time – out” muna ang mga doktor, nars at iba pang health workers sa kanilang pagharap, pag-aasikaso at paggamot sa mga taong tinamaan ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Sana, habang pinaiiral ang MECQ sa Mega Manila (Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan) mula Agosto 4 hanggang 18 ay magkaroon ng epektibong estratehiya at taktika upang totoong babagal ang paglaki ng bilang ng mga biktima ng COVID – 19, kundi man tuluyang mapatigil ang pananalasa ng sakit na ito.

Sana, totoo ang prediksyon ni Professor Ranjit Rye ng University of the Philippines OCTA Research team na 50,000 katao hanggang 70,000 ang hindi magkakaroon ng COVID – 19 habang pinaiiral ang MECQ, lalo na sa Metro Manila na siyang mayroong pinakamalaking bilang ng kaso ng COVID – 19.



Ayon kay Rye, kung nanatili ang “general community quarantine” (GCQ) sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan nito ay posibleng umabot sa 220,000 bagong kaso ng COVID – 19 sa huling araw ng Agosto.

Kung hindi magagawa ng mga doktor at nars ang mas mahusay na estratehiya at taktika laban sa COVID – 19 at kung hindi matutupad ang prediksyon ni Prof. Rye, lalabas na mga singungaling kayo.

Pinagbigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng 80 asosasyon ng mga health worker, kabilang ang mga doktor na kasapi ng Philippine Medical Association (PMA), na isailalim uli ang Mega Manila sa ECQ makaraang “mayanig” ang Malakanyang sa liham ng PMA kay Duterte.

Hindi ECQ ang pinairal ni Duterte, ngunit mahigpit na MECQ.

Kaya, okey na ang health workers.



Ang tanong: Paano na ngayon ang mga manggagawa, ang mga taong naghahanap – buhay na bumabatay lamang sa kanilang sahod kada araw?

Sa MECQ, walang tricycle, walang dyip, walang taksi, walang grab, walang tren.

Wala ang mga pampublikong sasakyang ito.

Kaya, walang masasakyang pampublikong transportasyon ang mga walang sariling sasakyan ay siguradong mahihirapan, o tuluyang hindi na sila makapapasok sa mga kumpanyang kani-kanilang pinatatrabahuan.

Ang inaasahang makapagtatrabaho ay iyong mayroong bisekleta, o motorsiklo, at mayyroong sariling sasakyan.

Ngunit, ang mga makakapasok na mga manggagawa ay iyong mga bahagi ng mga kumanyang “essential” na mga produkto at serbisyo ang inaalok sa publiko tulad ng pagkain, gamot at iba pa.

Hindi puwedeng pumasok ang mga construction worker.

Kaya, pihadong kawawa na naman ang mga manggagawa, kabilang na iyong magsisimula palang pumasok uli tulad ng mga nagtatrabaho sa Drug Check Philippines.

Hindi pa raw kasi pinapayagan ng Department of Health (DOH) ang ibang sangay nito na magbukas dahil sa COVID – 19.

Ako, naaawa talaga ako sa mga manggagawa na totoong mawawalan ng trabaho sa ganitong panahon.

Ngunit, naiinis ako kung hindi dumidiskarte ang manggagawa upang buhayin ang kanyang pamilya sa maayos at malinis na paraan.

Kahit saang bansa, kabilan na ang Pilipinas, kailangang dumiskarte upang magkaroon ng pera dahil mamamatay ka sa gutom kung hihintayin mong mabigyan ka ng ayudang pinansiyal ng pambansang pamahalaan, o pamahalaang lokal.

Ang nakabubuwisit sa ibang Filipino, ginagamit ang COVID – 19 bilang dahilan, o palusot, upang hindi magbayad ng kuryente, tubig at upa sa bahay.

Pokaragat na ‘yan!

Tama po ba ako?

Kawawa rin ang mga nagtatrabaho sa mga food chain dahil bawal uli ang dine – in.

Kawawa itong si Jaime Fernandez na anak ni Jack Fernandez dahil ‘sapul’ na naman ang trabaho ng mamang ito sa isang food chain sa Bonifacio Global City (BGC).

Ayon sa Partido Manggagawa (PM), dapat bigyan ng pamahalaan ng ayudang pinansiyal ang milyun-milyong manggagawa apektado ng MECQ.

Malabo ang panawagang ito ng PM dahil hindi nga nabigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang milyun-milyong mga manggagawa noong naunang ECQ hanggang MECQ ng tig-P5,000 bawat isa, ngayon pa kaya na walang pera ang DOLE para sa 15-araw na MECQ mula Agosto 4 hanggang Agosto 18.

Kaya, kawawa na naman ang mga manggagawa.

Kawawa na naman ang mga tsuper ng pedicab, tricycle, dyip, taksi, grab at iba pa.