Advertisers

Advertisers

3 wanted na Koreano sa telecom fraud huli ng BI

0 287

Advertisers

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Korean national na wanted sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga dayuhan na sina Lim Yeongjun, 36; Kwom Hyeoksoo, 49; at Sim Dong Woo, 49.
Inaresto ang tatlo nitong Martes ng pinagsamang puwersa ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI at Philippine National Police (PNP) sa loob ng tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Southern Police District (SPD) Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City na una nilang inaresto.
Sinabi ni Morente na ang tatlong Koreano ay pawang overstaying na at kasamasa sa ‘red notices’ ng Interpol at binawian na ng pasaporte ng kanilang gobyerno.
Ipinaliwanag din ni Morente na hindi pa maaring pabalikin ang tatlo sa kanilang bansa dahil nahaharap pa sila sa kasong paglabag sa 1988 Access Device Regulation Act at 2011 Anti-Cybercrime Law kungsaan kasalukuyan silang nakadetine sa custodial facility ng CIDG habang iniimbestigahan.
Sa impormasyon na nakalap nila sa BI Interpol Unit, lihim na nag-o-operate ang tatlo ng isang call center sa Manila na ginagamit nilang paglilinlang sa kanilang mga biktima kungsaan pinalalabas nila na mga ahente sila ng isang lending institution at hinihikayat ang kanilang biktima na bayaran ang kanilang mga utang ng advance upang makakuha sila ng mababang interest.
Ayon sa Korean authorities, nakadale ang tatlo ng mahigit 80 million won o mahigit US$67,000 na nakalagak sa isang bangko. (Jocelyn Domenden)