Advertisers

Advertisers

Fil-Am na sundalo nasawi sa training

0 269

Advertisers

SIYAM na US Marines kabilang ang isang Filipino-American ang nasawi at ilan ang sugatan habang nagsasagawa ng training exercise sa California nitong Huwebes.
Kinilala ang Fil-Am US Marine na si Private First Class Bryan Baltierra, 19-anyos.
Nabatid na nagsasagawa ang grupo ng US Marines ng shore-to-ship waterborne operation training nang biglang lumubog ang kanilang amphibious assault vehicle nitong Hulyo 30.
Nabatid na ilang linggo nang nagsasagawa ng search ang rescue operation ang US authorities.
Napag-alaman na 16 sundalo na nakasakay sa ill-fated assault vehicle, kung saan siyam ang nasawi at ilan pa ang nasa kritikal na kondisyon. (Lordeth B. Bonilla)