Advertisers
PINURI nang bonggang- bongga ng netizen si Kris Aquino sa ginawa nitong pagtulong sa kanyang mga kasama sa bahay.
Mula panahon na nagsimula ang lockdown eh talaga namang super monitor si Kris sa kanyang mga kasambahay.
May i-ask kung ano na ang kalagayan nila at sitwasyon simula ng lockdown dahil sa Covid 19 pandemic.
Agaran namang nagbigay ayuda si Kris sa kanyang mga kasambahay.
At ang pangunahing pangangailangan ng tao eh binigay ni Kris, ang suweldo ng mga ito.
Kaya naman sa IG post ni Kris eh puro magagandang komento ang inani ng TV host sa pagiging mabuting amo nito.
May komento pa ang isang netizen na kaya pala sinuwerte ito at nakabalik na sa telebisyon sa bago nitong talk show eh dahil na rin sa kanyang pag-ayuda sa mga kasama sa bahay simula ng lockdown.
***
MAYMAY AT EDWARD, MAY BAGONG PROYEKTO
INAMIN ng MayWard na may bago silang proyekto na gagawin kaya ganun na lang ang excitement ng loveteam.
Sa kabila na may mga project na hindi sila magkasama eh okey naman kina Maymay at Edward.
Still, going strong pa rin ang kanilang loveteam sa kabila na magkahiwalay sila ng mga project.
Natuwa naman ang followers ng MayWard na magkakaroon na ulit sila ng bagong project.
Kinakikiligan ang MayWard dahil patuloy pa rin silang mapapanood sa ASAP sa iWant.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)