Advertisers

Advertisers

Paano aalisin ang duda?

0 292

Advertisers

Pinagdudahan ng karamihan ang napabalitang pagkamatay ng mga miyembro na tinatawag dating Bilibid 19. Sila ang mga ‘high profile’ na preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City na sumikat dahil sa iskandalong kinabilangan mismo ni noong Justice Secretary at ngayon ay bilanggong senador Leila De Lima.

Namatay ang siyam sa Bilibid 19 ng dahil daw sa COVID-19, ang sabi sa mga ulat hango sa mga pahayag ng mga opisyal ng NBP. Pinagdudahan dahil lahat sila ay dumaan sa mahigpit na health protocol para sa mga nasasawi ng dahil sa nakamamatay na virus. Tulad ng agarang pagsunog sa mga bangkay o cremation.

Isa na rito at isa sa mga nahuling napabalitang namatay ay si Jaybee Sebastian ang pinaka-sikat sa Bilibid 19 dahil tumayo siyang saksi at taga-sakdal kay De Lima sa kasong drug trafficking laban sa senadora kaya ito nakulong.



Ang pahayag ng NBP ay dokumentado naman lahat ang kanilang proseso hanggang sa maging abo na lamang ang bangkay ni Sebastian, Zhang Zhu Li, Jimmy Kinsing Hung, Jimmy Yang, Eugene Chua, Ryan Ong, Benjamin Marcelo, Sherwin Sanchez at Amin Imam Buratong ang sumikat sa shabu tiangge ng Pasig noong 2009.

Sunod-sunod na pagkamatay ng mga high-profile na preso. Kahina-hinala nga di po ba? Lalo na galing sa NBP na kilalang institusyon para ikulong at ituwid ang mga nagkasala na kalaunan ay nasadlak sa mga iskandalo na pugad din pala ng iligal na droga, at nasabit sa iskandalo ng bentahan ng paglaya o freedom-for-sale.

Lahat nga raw ng nabanggit nating preso ay namatay dahil sa COVID-19 at wala namang dapat ikaduda dahil idinaan naman sa lahat ng proseso ng safety health protocol para sa virus ang kanilang pagdidispatsa o paglilibing sa mga presong namatay ng dahil sa virus.

Anumang dahilan, pagpapatunay na gagawin ng mga NBP opisyal ay di tatanggapin ng ordinaryong Juan na ang simpleng katanungan lamang ay magkano? Magkano ang naging kabayaran sa naisip na kaparaanan upang mawala sa bilibid ang mga big-time prisoners na nababanggit sa isyu na ito.

Kaduda-duda dahil mismong asawa o naulila ni Sebastian ay sumugod sa NBP upang kastiguhin ang lahat ng bantay ng bilibid at pagtangkaang lahat sila ay mananagot. Ano man ang habol ng asawa ni Sebastian ay siya lamang ang may alam. Ang alam lang natin ay bakit siya mag-aamok doon kung wala siyang hahabulin, materyal man na pag-aari ng kanyang asawa o mismong bangkay ng kanyang asawang big-time na preso.



Paano nga natin maaalis ang mga pagdududa? Kailangan na naman ba ang isang imbestigasyon sa isyung ito? Na wala namang napupuntahan kahit na sabihin pa nating in aid of legislation. Lahat ay nagsisimula lamang sa pagtatanong at natatapos din sa katungan na lamang na – ano na ang nangyari?