Advertisers

Advertisers

Tom game pakasalan si Carla sa kasagsagan ng pandemya

Labs talaga...

0 283

Advertisers

GAME na sumabak sa “GusTOMoba” challenge ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez nang mag-guest sa ‘Unang Hirit’ noong Martes, August 4.

Iba’t ibang tanong mula sa host na si Lyn Ching ang sinagot ni Tom, pero ang pinaka-espesyal ay nang matanong siya kung handa siyang pakasalan ang longtime girlfriend na si Carla Abellana sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sagot ng aktor, “Ako, okay lang. Kaso nu’ng tinanong ko siya, definitely no.”



Pero naiintindihan naman daw ni Tom na gusto ni Carla na maging special ang wedding day nila, “Ako, my only dream is to be the one next to her. That’s my only requirement. Siyempre, I want it to be special for her.”

Samantala, napapanood pa rin sina Tom at Carla sa rerun ng My Husband’s Lover tuwing Linggo ng gabi sa SNBO.

***

JAK AT BARBIE SA KUSINA ANG BONDING

Maraming nahahanap na paraan ang Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza, o mas kilala bilang JakBie, upang makapag-date pa rin kahit naka-quarantine.



Para sa kanila, ang mahalaga raw ay ang oras na magkasama silang dalawa.

Kamakailan lang, nagkaroon ng bonding moment ang dalawa sa kusina at ibinahagi nila ito sa latest mukbang vlog nila. Ipinagluto raw ni Jak ang kanyang girlfriend ng espesyal na version niya ng King Crab.

Kitang-kita naman sa video na nag-enjoy ang mag-jowa sa kinain nila.

At mukha ngang naparami ng kain sina Jak at Barbie kaya naman nagbiro ang aktres na “Mag-promise tayo. Magda-diet na bukas, promise!”

Dagdag pa na kuwento ni Jak, “Noong nag-Japan tayo, hindi ko masyadong na-appreciate ‘yung king crab na kinain natin doon kasi steamed lang. Pero ito, nilagyan namin ng butter, garlic saka konting sugar, konting salt. Binoil ko lang ng five minutes [‘yung crab] bago ko ilagay sa butter saka garlic. Ang sarap!”

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-taping si Barbie para sa primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, patuloy pa rin siyang napapanood sa rerun ng ‘Meant To Be’ kasama si Jak sa GMA Telebabad. –(BKC)