Advertisers
Sa panawagan ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa kaniyang naging STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA) ay nabulabog na naman ang bumbunan ng mga PRO-LIFE ORGANIZATIONS sa kung paano haharangin ang pagpapabalik ng DEATH PENALTY.., dahil ang nasasalang nga naman sa parusang kamatayan ay ang mga pangkaraniwang mamamayan o mga pipitsuging drug pusher.
Sa unang araw ng ZOOM ONLINE BROADCASTERS FORUM nitong nakaraang Miyerkules sa oras na 10:30 hanggang 12 ng tanghali na ang moderator ay ang kasalukuyang NATIONAL PRESS CLUB PRESIDENT na si ROLANDO “LAKAY” GONZALO ay ipinunto ng kanilang guest resource personality na si SURIGAO DEL NORTE/HOUSE COMMITTEE ON DANGEROUS DRUG CHAIR CONG. ACE BARBERS.., na ang isasagawang DEATH PENALTY ay para sa mga HIGH PROFILE DRUG PERSONALITIES at hindi mabibilang ang mga pangkaraniwang illegal drug offenders.
Labis na pinangangambahan ng iba’t ibang sektor na ang madadale sa parusang ito ay ang mga mahihirap na offenders lamang at bukod dito ay hindi rin daw ito ang kasagutan dahil hindi naman natakot ang mga drug syndicate sa halip ay patuloy sa naging pamamayagpag sa illegal drug trades.
Oo nga naman, hindi natakot ang mga drug syndicate noon kahit may DEATH PENALTY.., kasi ang mga naisalang sa parusang kamatayan ay mga pobreng offenders.., na dapat, sa muling pagbuhay para sa pagpapabalik ng death penalty ay iyong mga DRUG LORD, DRUG MANUFACTURER at isama na ang mga GOVERNMENT OFFICIAL na nagsisilbing DRUG SYNDICATE PROTECTORS.
Sa paglilinaw ni CONG. BARBERS nitong nagdaang BROADCASTERS FORUM ONLINE ay iginiit nito na ang dapat masalang sa DEATH PENALTY ay ang mga BIGTIME PERSONALITIES dahil ang mga ito lamang ang dapat mawala sa lipunan para matigil ang drug trade sa mga karaniwang mamamayan.
Sa kasalukuyan.. sa kabila ng walang humpay na operasyon at pang-aaresto sa iba’t ibang mga drug syndicate ay patuloy pa rin ang pamamamayagpag ng illegal drugs at maging sa mga nakakulong lalo na ang mga high profile ay nakakapagpatuloy sa kanilang illegal operation sa loob ng kanilang kinakukulungan sa asiste ng kanilang mga kakutsabang ilang tiwaling JAIL PERSONNEL.., na dapat, pagbalik ng DEATH PENALTY ay isama sa parusang kamatayan ang mga tiwaling JAIL PERSONNEL.
CONG. BARBERS.., isama na rin po ninyo ang mga CORRUPT HIGH GOVERNMENT OFFICIALS sa mapaparusahan ng DEATH PENALTY.., ika nga, mas higit na protektahan ng gobyerno ang kapakanan ng mga LAW ABIDING CITIZEN.., ang mga talamak na HIGH PROFILE OFFENDERS ang dapat mawala sa mundo at hindi nararapat na ipagtanggol ng mga PRO-LIFE ORGANIZATIONS!
ANTI-CORRUPTION CAMPAIGN
PAMBOBOLA NG GOBYERNO?
Kung pakikinggan natin ang mga kampanya ng gobyerno patungkol sa “ANTI-CORRUPTION” ay isa ako sa napapalakpak at umaasang makalalaya na rin sa kuko ng mga kurap ang ating gobyerno.., pero sa kasalukuyang sitwasyon tila gusto ko nang manlumo at ipagsigawan sa buong bansa na BINOBOLA NG GOBYERNO ANG SAMBAYANAN sa pagpoprontang sinsero kuno ang ANTI-CORRUPTION CAMPAIGN.
Hindi ako HENYO, hindi rin ako SANTO.., pero sa naoobserbahan natin ngayon kay PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ay isa ako sa nanlulumo, dahil agad niyang pinoprotektahan ang mga itinalaga niyang retired GENERALS sa iba’t ibang ahensiya ng ating gobyerno.., na hindi ba dapat ang ililitanya ng isang lider ay “SINUMANG OPISYAL NA MASASANGKOT SA ANOMALYA AY DAPAT SAGUTIN ANG LAHAT NG AKUSASYON” na ipaubaya sa mga paglilitis at sa mga dokumentong ipiprisenta sa halip na agarang pagdedepensa?
Bago pa man naging PHILIPPINE PRESIDENT si PRES. DUTERTE ay nakasama at nakatuwang niya ang iba’t ibang mga opisyal kabilang na ang mga retired General.., at ngayon ay buo ang pagtitiwala ni PRES. DUTERTE sa mga opisyal na kaniyang itinalaga.., pero nakikita ba lahat ni PRES. DUTERTE ang galaw ng kaniyang mga opisyal?
Tulad na lamang ang PHILHEALTH.., imposibleng maubos ang pondo dahil ang dapat na makinabang lamang sa pondo ay ang mga lehitimong PHILHEALTH MEMBERS.., at bakit nga ba kailangang mag-advance payment sa mga ospital e gayong ang dapat ay may maospital munang PHILHEALTH MEMBERS bago magbayad ang PHILHEALTH?
Wala akong MASTERAL DEGREE.., pero sentido-kumon lang ay makikita mo na ang mga iregularidad.., magbabayad ng advance sa isang ospital e paano kung sa loob ng isang taon ay walang naging pasyente riyan na PHILHEALTH MEMBERS? Sayang na pondo mula sa pagpapakahirap ng mga miyembro.., ganunpaman ay umaasa pa rin ang ARYA na sana .., ang ANTI-CORRUPTION CAMPAIGN NI PRES. DUTERTE AY SINSERO AT MAKATOTOHANAN!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.