Advertisers
THROWING back, last year, suspended sa Pinoy solo proleague PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) kaya since June 2019, no game na si PHOENIX forward CALVIN ‘The Beast’ ABUEVA. Pinatawan siya ni Commissioner WILLY MARCIAL ng indefinite ban dahil sa series ng on-court pisikalan-rambulan.
Sa latest update, tinanggihan ni ABUEVA ang offer para maglaro bilang import sa Japan B League. “Maraming nag-o-offer since nasuspend ako…dito..sa MPBL, or sa Thailand or sa Japan, Ibibigay ko ang laro ko sa PBA.” Una rito, pumirma ng kontrata sa Japan’s B League si THIRDY RAVENA para sa San-En Neophoenix, first Filipino sa foreign league with anticipated high salary level, patok sundan ni CALVIN natatak – Rookie of the Year at Best Player of the Conference.
“Ang sa akin po, dito ako sumikat, dito rin po ako magtatapos, kung aalis ka bigla-bigla na may problema ka dito, pagbalik mo sirang-sira ka na,”, pahayag ni CALVIN sa social media post. Talagang iniisip ko sa pagbalik ko.. na makapaglaro ako ng maayos at mapasama ulit ako sa Gilas. Ako, proud na proud ako sa sarili ko na gusto ko ulit makasama sa Philippine Team.”
IBANG ‘THE BEAST’ SA HARDCOURT
KAYA na bang pangatawanan ni ‘THE BEAST’ na magbagong-bihis sa hardcourt? Mahalaga ang payo ni GAMES and AMUSEMENTS BOARD (GAB) Chairman ABRAHAM ‘BAHAM’ MITRA na maging more professional siya pagbalik sa games. Well, hindi lahat ng cagers, gifted sa skills, talent and opportunity. Sana nga, ‘The Beast has learned from previous mistakes. Saksi po kami sa husay niya sa PBA games at aware sa ilang whatabouts relative to previous ordeals following his sports career.
Tingin namin, umpisa ng pagtutuwid ni CALVIN ang pagtanggi sa magandang oportunidad sa Japan at Thailand. Kung iisipin, mas safe na ayusin ang sobrang complicated domestic problems na dinaanan niya. Di po ba, nagdaan pa sa court ang feud between him and wife? Money issues and alleged third parties added to assumed cause ng mga ‘pagwawala’ ni CALVIN sa games. After reconciliation, pre-lockdown, visible ang ex-ALASKA stalwart sa isang mall sa Mandaluyong at proud na nagbiro, ‘Lalaki pa rin ang bagong anak ko. Isang team na sila..”
Kung idadagdag pa sa trials na dinaanan ni CALVIN ang nagdaang pagka-ransack ng bahay nila sa Angeles, Pampanga (as his mom related), para sa amin, matibay pa rin ang ‘maangas’ na player at ang angas na yun ang pwedeng top shield niya.
Everyone deserves a second chance, si CALVIN ABUEVA pa ba? Wait, can PBA soon come back? ABANGAN!
AUGUST CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Sir JOHN JAMESON A. PAJITA of Lopez Integrated School, Vergara, Mandaluyong City, to Sir ERIBERTO ASTORGA, Mam EVA B. DEOCAREZA, Mam PEACHY GIRLIE LIBUNAO, Mam CHARYLLE JANE SD. LIAGA, Mam ELIZA MANONGSONG-PADUA, ALTHEA JOYCE S. PERALTA and Sister ANGELITA GUTIERREZ. Stay blessed. HAPPY READING!