Advertisers
Muling nakapagtala ng mataas na bilang ng kumpirmadong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong araw, Agosto 14.
Sa inilabas na case bulletin ng DOH, pumalo sa 6,216 ang nadagdag sa mga kaso na umabot na sa kabuuang 153, 660.
Sa nasabing karagdagang kaso, ang mga resulta ay isinumite ng 98 mula sa 103 operational laboratories sa bansa.
Umabot naman ngayon sa 79,813 ang mga aktibong mga kaso.
Ang top regions ng may naitalang bagong kaso ay ang NCR, 3,848 (62%), sinundan ng CALABARZON, 1,016 o 16%; at Region 3 , 311 o 5%.
Nakapagtala naman ng 278 kaso mula sa mga Returning Overseas Filipinos (ROF).
Mataas din ang naitalang recoveries kung saan umabot sa 1,038 at nasa kabuuan nang 71,405.
Habang 16 naman ang nadagdag sa mga pumanaw sanhi upang umabot na ito sa bilang na 2,442. Sa 16 na deaths, 9 dito ay mula sa NCR; Region 7, 4; Region 5,1; Region 9, 1 at Region 4A, 1. Mayroon namang 81 duplicates na inalis sa total case counts kung saan ang 4 rito ay recovered cases. Mayroon ding 1 recovered case na napag-alamang negative at inalis na rin sa total case count.
Gayundin, na-update na rin ang 15 kaso na unang iniulat na recovered pero lumabas na 4 ang pumanaw at 11 ang active cases matapos ang isinagawang final validation. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)