Advertisers

Advertisers

Covid-19 test sa PRC ititigil dahil sa utang pa ng PhilHealth

0 238

Advertisers

POSIBLENG suspindehin ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang serbisyo sa COVID-19 testing dahil bigo umano ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang balanse ng nasabing humanitarian organization.
Ayon kay Senador Richard Gordon, PRC chairman at CEO, hangga’t hindi nakababayad ang Philhealth ng nasa P700.5 milyong balanse ay maaaring itigil ng PRC ang COVID-19 testing sa mga magpapasingil sa pamamagitan state health insurer.
“Aabot na sa isang bilyon ang utang ng PhilHealth sa Red Cross. Pagkatapos nilang magbigay ng advanced payment na P100 million noon, paunti-unti na lang ang pagbabayad nila,” wika ni Gordon.
“Hindi naman pupuwedeng ganoon dahil kailangan din namin ng pambili ng materials para sa testing at pambayad sa mga tao. Kung hindi sila makapagbabayad hanggang Monday, ititigil muna namin ang testing,” saad ni Gordon.
Hindi rin aniya mabubuksan ang mga bagong ipinatayo na laboratoryo sa Bacolod, Zamboanga at Cagayan de Oro City.
“How can we operate if we do not have enough test kits and we do not have money to pay our med techs and other staff? We have been totally cooperative in all aspects but we cannot afford to continue if the government, particularly PhilHealth, continues to fail to pay for their lawful obligations,” dagdag ng opisyal. (Mylene Alfonso)