Iza sinelebreyt ang birthday at 2nd life sa beach sa Batangas; Sharon literal na pinasan ang daigdig nung nahiwalay kay Gabby
Advertisers
WALANG hihigit pa sa pagiging ina at isa si Sharon Cuneta sa ibinuhos ang buong panahon at buhay sa anak na si KC Concepcion.
Sa IG post naman nito ay napa-throwback din siya ng mga pics ng dati nitong pelikula.
Ang isa nga sa movie niya ay Pasan Ko Ang Daigdig at sa pag-amin ni Megastar na hindi lang pelikula ‘yun kungdi sa totoong buhay daw ay pinasan nito ang daigdig.
Noon nga raw nag-failed ang marriage nila ng ama ni KC ay doon na raw nagsimula na kailangang tumayo, bamangon at magsimula muli na mag-isang harapin ang matinding pagsubok na dumating.
Naging inspirasyon ni Sharon ang anak na si KC kaya naman kabi-kabila ang mga projects na ginagawa nito at ang mahalaga sa kanya ay kumayod para mabuhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.
Ginawa ni Sharon na maging ama rin sa anak para lang mapunan ang pagkukulang ng isang tatay para kay KC.
Lagare si Sharon at dahil sa kabi-kabila na pagiging awardee at newsmaker kaya naman napasakanya ang titulong Megastar na talagang pinagsikapan niyang makamit.
Dama ng netizens ang sobrang pagmamahal ni Sharon kay KC na sana ay ma-appreciate raw ng dalaga.
***
KITANG- kita sa post ni Iza Calzado sa kanyang IG ang mga larawan na mag-isa lang itong nagtatampisaw sa isang beach resort sa Batangas.
Habang nagbabakasyon eh ini-enjoy ni Iza ang paglangoy sa magandang resort.
Sa ika-38th birthday ni Iza, sinabi nito na second life na niya ito simula nang magkaroon ng Covid hanggang sa gumaling na.
Dahil second life na ni Iza kaya nagselebreyt ito ng kanyang bertdey.
It’s a blessing naman ang kanyang second life sey ni Iza.
Sa bawat paggising naman nito ay always itong nagpapasalamat sa Itaas sa ikalawa nitong buhay.
Sa buhay naman ni Iza, ang pagkakaroon niya ng Covid ang never nitong makalilimutan sa buong buhay nito.
Kaya dobol celebration nga raw ang kanyang pagdiriwang sa kanyang sa kanyang natal day.
Nag-thank you rin si Iza sa lahat ng bumati sa kanyang kaarawan.
Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)