Advertisers

Advertisers

Sino kaya ang susunod sa PNP Chief?

0 283

Advertisers

UNANG linggo ng Setyembre, magpapapalit na ng liderato ang Philippine National Police (PNP). Magreretiro na kasi ang kasalukuyang hepe ng pambasang pulisya na si Gen. Archie Gamboa. Mandatory retirement dahil sa singkuwenta’y singko na ang mama. Sa susunod na buwan na pala ha…“ber” na pala…Pasko na sa ‘Pinas. Sarap naman, makakarinig na naman tayo ng mga Pamaskong Awit.

Salamat Gen. Gamboa sa inyong serbisyo sa bayan…advance happy birthday din po sir.

Halos dalawang linggo na lang para tuluyan nang mamuhay sibilyan si Gamboa pero hanggang ngayon ay wala pa ring napapabalitang inendorso ang outgoing PNP chief kung sino ang nais niyang magmamana sa ginintuang trono na kanyang lilisanin.



Ginintuang trono talaga ha…oo, marami raw kasi yumaman sa tronong ito. Si Gamboa, yumaman kaya siya sa pag-upo niya sa tronong ito? Hindi naman siguro ano? Pero ano sa tingin niyo?

Ano pa man, wala pang bulong-bulongan kung sino ang papalit kay Gamboa pero naturalmente na hindi mawawala iyong sinasabing may “manok” na inaalagaan si Gamboa na puwede niyang irekomenda sa Palasyo na ipapalit sa kanya.

Hindi naman talaga mawawala ito sa mga nagpapaalam nang mga PNP Chief. E sino naman kaya ang maaaring irerekomenda ni Gamboa? Ang next in man kaya na si Police Lt. Gen. Guillermo T Eleazar, PNP Deputy Chief for Operations? Ang tanong diyan ay… “manok” niya ba si Eleazar? He…he…he…

Teka, teka, paano nga pala si Police Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration? Hindi ba siya puwede sa posisyon? Siya nga pala ang next man habang ikatlo lang si Eleazar.

Si Cascolan ay sinasabing magreretiro na sa Nobyembre kaya ang tsismis na baka hindi na puwede dahil dalawang buwan na lang ang natitira para sa mama kaya, paano pa raw siyang makauupo.



Ganoon ba iyon? Nasa reglamento pa iyan ng PNP? Pero kung tingnan may tsansa kahit na papaano si Cascolan para umupo bilang PNP Chief. Ha!? Paano? Kapag wala pang napili kasi ang Palasyo at si Gamboa naman ay bumaba na…hayun maaaring maging pansamantalang hepe ng PNP si Cascolan. Yes, in short ay maaari siyang maging Officer-In-Charge. OIC boy. Puwede! Wala nang pinag-usapang accomplishment diyan. Dalawang buwan din iyan ha….malaking ipon din iyan ha. Anong ipon? Oo siyempre, tataas din kasi ang suweldo ni Cascolan kapag maging OIC siya kaya, malaking ipon din ang dagdag suweldo. Iyan ay kung may increase kapag naging OIC siya. Wala naman yata.

Iyon naman pala e baka walang dagdag suweldo. Kayo kasi kung ano-ano ang iniisip niyo….porke sinasabing ginintuang trono ang PNP Chief at maraming yumaman sa posisyon na ‘yan..

Anyway, sino nga ba ang mas may “K” na maging susunod na PNP Chief?

Kahit na papaano ay may bulong-bulongan sa Kampo Crame….mahigpit na magkatunggali ay ang magkaklase na sina Eleazar na bukod sa pagiging Deputy Chief for Operations ng PNP, siya ang kasalukuyang hepe ng Joint Task Force COVID Shield at NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas. Ang dalawa kapwa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Hinirang Class of 1987.

Sina Eleazar at Sinas ay kapwa malaki ang naiambag sa peace and order sa bansa, lalo na sa National Capital Region (NCR). Kapwa may gimik na kampanya laban sa kriminalidad lalo sa pagsuporta sa gera ni Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga.

Ngayon panahon naman ng COVID 19, kapwa ring kumikilos sina Eleazar at Sinas.

E paano iyong mga nakaraang accomplishment bago umakyat sa matataas na posisyon ang dalawa? Sino ba ang may higit na marami ang naiambag sa katahimikan ng bansa?

Wala tayong papanigan kina Eleazar at Sinas…at sa halip, panalangin ko’y sana ang unang ikonsidera ni Pangulong Duterte sa pagpili ay iyong talagang deserving base sa mga nagawa sa bayan at hindi iyong kung sino ang ibubulong sa kanya ng masasabing maimpluwensiya.

Lord may guide our president to choose the right and deserving police officer…please give WISDOM to our president.