Advertisers
DAHIL sa pagiging madiskarte ni Neri Naig, bumilib at puring-puri ito ng kanyang mister na si Chito Miranda.
Kundi dahil sa pagiging wais ni Neri sa pagtatabi ng pera ngayong panahon ng pandemya, malamang na ngangels sila.
Sa estilo ni Neri ay naka-survive silang couple dahil natigil ang karaketan ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar.
Bukod sa masinop ay napakasipag nitong magtinda ng tuyo, suka at beddings kaya lalong bumilib si Chito sa misis.
Kahit nga raw siya ang provider dapat pero ikinatuwa naman nito ang asawa na sa panahon nga raw ng Covid ay nakagawa pa ng paraan na mapunan ang kanilang needs.
Dagdag pa nito na mukhang mas malaki pa ang kinikita ni Neri sa kanya ngayon dahil sa sipag, diskarte at tiyaga.
***
HINDI nainis o nagtawa si Angel Locsin nang makarating sa kanyang kaalaman na nagkasakit ng coronavirus ang pangunahing kritiko nitong vlogger.
Ito ay sa kabila ng pagbanat ng nasabing kritiko sa kanya sa paglaban nito sa gobyerno matapos hindi mabigyan ng prangkisa ang kanyang home network.
Ikinatuwa raw ng netizens ang magandang attitude na ipinakita ni Angel.
Kung sa iba nga raw ay baka niresbakan ito ng masasakit na salita pero ang iginanti ng aktres ay ipinagdasal pa ang agarang paggaling ng kanyang critic mula sa Covid.
Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi LLoza)