Advertisers
TATLONG kompanya ang interesadong masungkit ang isa sa pinakapopular na love team sa Pilipinas na LizQuen.
Ayon kay Ogie Diaz, gustong bingwitin ng GMA, TV5 at Viva sina Liza Soberano at Enrique Gil.
Pero sabi ni Diaz, priority pa rin nila ang ABS-CBN ngunit kung walang ibibigay na project at pumayag na mag-transfer ng network ang LizQuen ay ikokonsidera na nilang lumipat.
“As per Tita Cory Vidanes nung nakausap ko, gumagawa naman daw sila ng paraan kung paano maitatawid ‘yung mga love teams na pinoprotektahan nila at ‘yung sine-secured talaga nila,” dagdag pa niya.
Gusto ko lang palang pasalamatan si Ogie dahil isa siya sa mga tumulong sa akin para mabayaran ang hospital bills ko nung na-ospital ako kamakailan.
Nu’ng malaman niyang mako-confine ako, agad siyang nagpadala ng financial assistance Ang sarap maging kaibigan ni Papa O (tawag namin sa kanya). Kapag naging kaibigan mo siya asahan mo na sa oras ng kagipitan at pangangailangan ay lagi siyang nandiyan.
Subok ko na ang pagiging tunay at mabait na kaibigan ni Papa O. Kaya naman mahal ko siya!
***
DIREK RS FRANCISCO WALANG PAGOD SA PAGTULONG AT PAG-SHARE NG BLESSINGS
NOONG birthday ng CEO/President ng Frontrow na si Direk RS Francisco last August 8, ipinagdiwang niya ito sa pamamagitan ng pag- launch ng kanyang RS Luxxe Wear.
Ang mga ito ay t-shirt at face mask na may initials niya. In fairness ang gaganda ng design at kulay nito. Na ‘pag sinuot mo ay magiging fashionable ang dating mo. Ang part ng kikitain nito ay ibibigay ni Direk RS sa mga nangangailangan.
Kamakailan ay inilunsad ni Direk RS ang Kontra-Gutom feeding program, na naglilibot siya sa iba’t ibang barangay para mamigay ng mga pagkain.
Kakaiba talaga si Direk RS. Hangga’t kaya niyang tumulong ay tumutulong siya. Hindi siya napapagod sa pagtulong. Marunong siyang mag-share ng blessings kaya patuloy siyang bini-blessed at ang Frontrow ng Nasa Itaas.
Sabi nga niya, “Those who can give, give. Those who can help, help. Those who can share, share. During these times, a little help can mean so much. There are so many people in need and there are so many ways to help,” anya.
Samantala, sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon na ito para pasalamatan din si Direk RS. Isa rin kasi siya sa mga tumulong para mabayaran ko ang hospital bills ko.
Lagi talaga siyang nandiyan para sa akin, at sa mga malalapit sa kanya sa press, sa oras ng pangangailangan. Natutuwa kami na naging kaibigan namin ang isang RS Francisco na may magandang puso. Mabuhay ka Direk RS! At maraming- maraming salamat again sa pagmamahal mo sa amin. Mahal ka rin namin! (Rommel Placente)