Advertisers
PATULOY ang pananalasa ni Jayson Tatum na umiskor ng 33 points upang tulungan ang Boston Celtics na durugin ang Philadelphia 76ers sa iskor na 128-101, kahapon upang ilista ang 2-0 lead sa first-round ng Eastern Conference playoff series sa bubble.
Kumamada si Tatum ng career playoff sa ikalawang sunod na laro matapos na umiskor ng 32 points sa opener nakaraang Lunes.
Nagdagdag si Kemba Walker ng 22 points, habang si Jaylen Brown bumakas ng 20 para sa Celtics, Boston ay umiskor ng 51% from the field at nakapagtala lang ng pitong turnovers, kabilang ang dalawa sa unang three quarters.
Joel Embiid kumamada ng 34 points at 10 rebounds para sa 76ers, Josh Richardson nagdagdag ng 18 points.
Hindi nakapaglaro ang starting forward ng Celtics na si Gordon Hayward dahil sa natamong right ankle sprain sa Game One, at inaasahang tatagal ng hanggang apat na Linggo, si Marcus Smart ang tumayong starting lineup.
Ang Game three ay sa Biyernes.