Advertisers

Advertisers

P54M ismagel na yosi nasabat ng Customs

0 263

Advertisers

NASABAT ang tinatayang mahigit P54 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Cebu (BOC-POC) na makapasok sa bansa.
Ayon sa ulat, dumating sa Port of Cebu ang isang 40-foot container at idineklara na naglalaman ito ng mga drawer, table, cabinet at mga locker kung saan naka-consigned ito sa GRR Trading.
Sa report, nakatanggap ng impormasyon si IO3 Carlo A. Bautista, Chief, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) – Cebu Field Station na naglalaman umano ito ng mga sigarilyo kaya’t inirekomenda nito na isyuhan ng Pre-Lodgement Control Order (PLCO).
Isinailalim sa 100% physical examination ang nasabing kargamento na nagresulta sa pagkakadiskubre ng may 1,092 master cases na mga sigarilyo na may tatak na “Astro” kung saan tinatayang nasa P54.6 milyon halaga ang street value nito.
Inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ang nasabing kontrabando dahil sa paglabag sa Section 1113 (f), (i) at (l) ng Republic Act No. 10863 o ang “Customs Modernization and Tariff Act” at isasailalim ito sa seizure and forfeiture proceedings.(Jocelyn Domenden)