Advertisers

Advertisers

0 241

Advertisers

NASA ika-sampung anibersaryo na noong Agosto 19, taong kasalukuyan, bilang mag-asawa sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla.

Wala namang bonggang handaan dahil sa pandemya.

Sa kabila na dekada na ang pagsasama nina Mariel at Robin ay nangangarap pa rin ang una na maikasal ulit sa mister.



Plano na nga raw sana ang church wedding nila ni Binoe, pero naudlot dahil nagbuntis ito.

At dahil nagkaroon na ng anak malamang na nabago at naiba na ang pigura ni Mariel at gusto pa naman nito na kung ikakasal ulit ay maging sexy na.

Kinilig na kinukuwento sa vlog ni Mariel na napuno nga raw ng bulaklak ang bahay nila na inihanda ni Binoe.

Bukod sa pa-flowers ni Robin ay may isa pang pasabog na sorpresa si Binoe sa kanyang esmi.

Grabeng na-touch nang bonggang-bongga si Mariel matapos bigyan at isuot ni Binoe ang singsing sa kanyang maybahay.



Isa na lang ang wish ni Mariel, na maikasal ulit sa kanyang mister.

***

Richard Yap umamin, apektado rin ang pag-aaring restaurant

KAHIT si Richard Yap ay umamin na dahil sa Covid ay naapektuhan na rin ang kanilang restaurant.

At ang resto business ni Richard ay grabeng naapektuhan dahil sa virus.

Kaya ganun na lang ang kalungkutan ni Richard sa mga kaganapan dahil sa Covid.

Naawa rin ito sa mga trabahante na nawalan ng kita at ang laki nga raw ng naging epekto nito sa bawa’t Pinoy.

Thankful naman si Richard na sa araw-araw na datos na nagiging positibo sa Covid ay nagpapasalamat ito sa Poong Maykapal at sa limang buwan na quarantine ay ligtas ang actor at ang kanyang pamilya sa nasabing sakit.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi Lloza)