Advertisers

Advertisers

‘Malakas pa sa kalabaw si Presidente Duterte’

0 325

Advertisers

ITO ang ipinagdidiinan ni Senador Bong Go, ang na-natiling closed aid ni Presidente Rody Duterte kahit nasa Senado na ito, sa mga kritiko ng pangulo.

Well, sa ganang akin para matapos na ang debate sa kalusugan ni Duterte, ilabas sa publiko ang medical records ni Pangulo. Tapos!

Ang medical records ang magsasabi ng totoo kung “malakas pa sa kalabaw” ang pangulo o wala na itong kakayahan pamunuan ang 107 milyong Filipino na nangangailangan ng smart leader sa panahong ito na nasa pandemya ng covid at pandemya ng korapsyon ang Pilipinas.



Kahit naman kasi ipagdiinan ng mga dikit kay Pangulong Duterte na malakas o walang problema sa kalusugan niya ay wala paring maniniwala. Dahil kitang kita sa kilos ng pangulo na may nararamdaman ito. Pramis!

Oo! Sa huling miting lang niya sa kanyang mga gabinete sa Davao City nung Lunes ng gabi na inere Martes ng umaga, kitang kita sa video na tila mawawalan ito ng balanse sa paglalakad, inaalalayan sa pag-upo at pagtayo, at tila barado na ang ngala-ngala kung magsalita.

75 years old na raw kasi si Pangulong Duterte kaya ganun na kung kumilos. Hmmm…

Ang tatay ko 80-anyos na pero lasinggero pa, hindi makatulog sa gabi kung hindi makalagok ng isang boteng Gin o Empi, at kaya pang maglakad ng ilang kilometro mula bukid hanggang bayan. Iyon ang walang sakit.

Kaya para matapos na ang isyu sa kalusugan ni Pangulong Duterte, kung wala nga talaga itong karamdaman, kung siya parin nga ang dating Mayor Duterte na tila immortal, at kaya pang pamunuan ang bansa hanggang 2022 o higit pa, ipakita sa publiko ang medical records para tumigil na itong mga nagkakalat ng tsismis na nabubulok na ang Pangulo. Mismo!



***

Hanggang ngayon pala ay hindi parin nakakasuhan ang 9 pulis na nagmasaker sa 4 intel officers ng Army noong Hunyo 29, 2020 sa Jolo, Sulu?

Naka-kostudya lang pala ang mga pulis na ito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, Inilayo lang sila sa Jolo para mabawasan ang tensiyon sa pagitan ng mga sundalo at pulis doon.

At ang matindi rito, mga pare’t mare, hindi pala suspendido ang mga pulis na ito sa kabila ng matibay na ebidensiyang naka-lap ng NBI na minarder ng mga bugok ang 4 sundalo na nasa misyon ng pagmamanman sa dalawang babaeng suicide bombers sa Jolo.

Ang female suicide bombers na ito ang sumambulat nitong Lunes ng umaga sa Jolo, kungsaan 14 ang nasawi (karamihan sundalo) at 75 ang sugatan.

Kung hindi minarder ng naturang mga pulis ang 4 intel officers ng militar, hindi siguro nangyari ang terorismo nung Lunes. Malamang!

Now, ano pa kaya ang hinihintay ng mga awtoridad para makasuhan ang siyam pulis na ito? Aba’y umaalma na ang mga Army, Mr. President. Abangan!

***

Kinumpirma ni House Deputy Speaker Paolo Duterte na pito sa kanyang staff, kasama ang kanyang chief of staff na si Sherwin Castaneda, ang nag-tender ng kanilang resignation noong Agosto 10. Bakit kaya?

Si Paolo, anak ni Pangulong Duterte, ay inakusahan noon ni noo’y Senador Antonio Trillanes na “miembro ng Chinese drug triad”, matapos mabunyag na mga kaibigan ni-yang Chinese ang nagparating ng bilyon bilyong halaga ng shabu sa bansa na nahuli sa isang warehouse sa Valenzuela City 2 years ago.