Advertisers

Advertisers

Snipets para sa Covid-19

0 296

Advertisers

Are you always so stupid or is today a special occasion. — Anonymous

NAKAKABAHALA na ang nababasa at naririnig nating balita kaya minabuti naming maghatid ng ilang mga ‘snipet’ para mapangiti ang ating mga reader at tagasuporta ng ating pitak.

Dahil sa coronavirus pandemic, pinasantabi na ng Kentucky Fried Chicken ang sikat nilang slogan na “It’s Finger Lickin’ Good’—hindi na nga naman angkop ito sa ‘new normal’. So, ano na ang bagong slogan ng KFC—“No Touching Good” kaya?



Hindi nagawang takasan ng ‘world’s fastest person’ ang nakakahawang sakit na Covid-19. Inamin ni Usain Bolt na naka-quarantine siya ngayon matapos na magpositibo sa sakit. Patunay lang ito na talagang mapanganib ang bagong sakit. Wala sa bilis ang pag-iwas dito.

Mabili ang mga face mask at ibang mga protective gear na may imahe ng Itim na Nazareno at sa katunayan ay ‘sold out’ ang mga ito sa labas ng simbahan ng Quiapo. Mandatory ang pagsuot ng mga ito sa Metro Manila mula noong Agosto 19. Mas epektibo ba ang mga PPE kung may imahe ng Diyos?

Sa India, lumobo ang bilang ng mga nagpapatiwakal at dahil daw ito sa depression sanhi ng pandemia ng coronavirus. Hindi mo masisi ang ilan sa kanila dahil naka-lockdown sila s autos ng kanilang pamahalaan kaya tiyak na nabuburyon sila sa loob ng kani-kanilang bahay kaya minamabuti na lang na magpakamatay kaysa dumanas pa ng labis na paghihirap. Sabi nga ng ating pambansang bayani, Dr. JOSE PATRICIO RIZAL: “In death there is rest.”

Pati rito pala sa ‘Pinas ay lumbo rin ang bilang ng mga nagpapatiwakal. Pero hindi naman siguro sa depression dulot ng pandemia. Marahil ay depression ito dulot ng balitang bilyun-bilyong piso ang nawawala dahil sa korapsyon sa PhilHealth. Dapat kasi sana may pondo para sa mga magkakasakit ng Covid-19, e ngayong nagkanakawan ditto, paano na iyong mga magkakasakit?

May sakit daw si PhilHealth president RICARDO MORALES at kinakailangang sumailalim sa chemotherapy dahil sa kanyang karamdaman. Dahil dito siguro kaya hindi napansin ng butihing heneral ang nakawan sa pondo ng PhilHealth. Ano ang tawag sa kanyang kalagayan . . . karma ‘di ba?



* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!