Advertisers
IKINATUWA ni DDS Banat By ang pamamaalam ng radio program nina Ogie Diaz at MJ Felife sa DZMM na OMJDZ.
Sabi niya sa kanyang Twitter account, “Ay mabuti nga nabawasan na ang fake news sa radio,” na nang mabasa ni Ogie ang post na ‘yun ni Banat By ay sinagot niya ito.
Sabi ni Ogie, “Kung fake news kami, ano si Mocha, gospel truth? Kaloka ka mars.”
Si Mocha na binanggit ni Ogie ay si Mocha Uson. Alaga kasi ito ni Banat By, siya ang manager ng dalaga.
Bukod kina Ogie at MJ, binanatan din ni Banat By ang member ng grupong Hashtags na si Niko Natividad. Lugar na maawa dahil na-scam ito ng 4million nang sumali ito sa isang networking ay tinawag pa niya itong tanga.
Sabi niya, “Kaya may scammer ay dahil may tangang tulad ni Niko Natividad.”
Pero gaya ni Ogie, sinagot din ni Niko si Banat By. Sabi nito, “Walang scammer kung walang tangang tangang katulad ko. Parang sinabe mo walang magnanakaw sa Philhealth kung walang walang naghuhulog dun buwan-buwan.”
***
SA Facebook Live ng dating OFW na si Sarah Balabagan ay humingi siya ng sorry sa asawa ni Arnold Clavio.
Ito’y matapos niyang ibulgar na ang beteranong broadcaster ang ama ng kanyang panganay na anak na babae na si Ara. Naka move-on na rin daw siya at napatawad si Arnold.
Pero nu’ng ma-interview si Sarah ni Ben Tulfo sa show nito, nag-iba ang tono niya. Nang hingan siya ni Ben ng mensahe para kay Arnold, ang sabi niya, magpakalalaki na ito. Desisyon daw ni Arnold kung aamin ito, huwag lang daw nitong itanggi na may anak sila at ibang usapan na raw ‘yun. (Rommel Placente)