Advertisers

Advertisers

Jennylyn dinepensa ang mga single mom nang maliitin ng netizen

0 282

Advertisers

NAIRITA ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa  tweet ng isang netizen na sinasabi, “Irespeto naman ang mga naanakan.”

Okey na sana dahil sa salitang respeto pero sumablay ang netizen sa salitang naanakan.

Pumalag si Jennylyn sa tweet ng netizen.



Sa post nga ni Jennylyn ay diniin nito na huwag nga raw  maliitin ang mga single mom.

Hindi nga raw alam ng netizen na mahirap maging isang single mom na tulad ni Jennylyn na mag-isa lang  itinaguyod ang kanyang anak.

Ipinamukha pa ni Jennylyn sa kanyang basher na hindi biro ang pagiging single mom.

Kaya huwag daw maliitin ang pagiging single mom ayon sa dyowa ni Dennis Trillo.

Sinuportahan at sinang- ayunan naman ni Chynna Ortaleza ang punto ni Jen at ang mga single mom.



***

WINWYN SINUWAY SI MOMMY ALMA, SUMABAK PA RIN SA MILITARY TRAINING

KAHIT daw sinabihan ni Alma Moreno ng kung anu-anong ginagawa ng anak na si Winwyn Marquez at hindi siya pabor dito, hindi pa rin nito napigil ang dalaga na sumabak sa matinding military training.

Hindi umano nito ininda ang hirap at pagod sa isinagawang ensayo para sa pagpasok  as reservist sa Phil. Navy.

Masaya raw sa kanyang pinaggagawa si Winwyn sa kabila  na isa siyang beauty queen ay hindi ito naging hadlang para sumabak sa military.

Pati pagwo-work out ay kinarir ni Winwyn para sa bago nitong pagkakaabalahan.

Sa November nakatakda nang matapos ang training ni Winwyn.

Well, well, well… ‘Yun na! (Jovi LLoza)