Advertisers

Advertisers

P852k ‘damo’ ipinalaman sa mga damit

0 239

Advertisers

‘DI nakalusot sa Bureau of Customs – NAIA ang isang package na naglalaman ito ng ‘kush’ o high-grade marijuana mula sa ibang bansa.
Ang package ay nagmula sa California, US at deklaradong naglalaman ng limang piraso ng damit.
Ngunit nang matiyak ng BOC na ‘misdeclared’ ang package na bumagsak sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City, isinailalim ito sa pagsusuri at nadiskubre ang 533 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P852,000.
Nakapangalan ang package sa isang Aura Talob ng Davao City.
Ipinasakamay na sa PDEA ang nasabing droga habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.
Ito na ang ikaapat na beses ngayon taon na nakakumpiska ang BOC – NAIA ng kush na mula sa US. (Jojo Sadiwa)