Advertisers
IBINUNYAG ng Publishers’ Association of the Philippines (PAPI), pinakamalaking media group sa bansa na kinabibilangan ng publishers, ang dahilan ng madalas na mahabang brownouts at mataas na singil sa kuryente sa Iloilo City noong hawak pa ito ng Panay Electric Company (PECO) na mahigit 96 taon naging power supplier ng lungsod.
Sa kanilang investigative report na naka-post sa kanilang website, sinabi ni PAPI President Nelson Santos na bilang tagapagtaguyod sa pamamahagi ng katotohanan na 45-taon nang ginagawa ng asosasyon ay responsibildad nitong isiwalat ang malaking problema sa kuryente sa Iloilo City.
Idinetalye ng PAPI sa inilabas nilang investigative report na nagdedetalye simula ng pamamayagpag ng PECO, pagpapabaya at tuluyan nitong pagbagsak makalipas ang ilang dekada.
Say ni Santos na sa dami ng propaganda na inilabas ng PECO mula nang matanggalan ito ng prangkisa ay nagdudulot na ito ng kalituhan sa publiko. Kaya minabuti nilang talakayin ang isyu at isulat ang totoong pangyayari.
Ang komprehensibong ulat na ito ng PAPI ukol sa sitwasyon ng kuryente sa Iloilo City ay walang dudang makatutulong ng malaki sa 65,000 power consumers ng lungsod para maliwanagan sa mga isyu sa harap ng mga lumalabas na mga propaganda ng PECO.
Kabilang sa mga tinalakay sa ulat ng PAPI ang kontrobersiyal na isyu ng PECO sa overbilling, regular na power interruptions, kabiguang mag-upgrade ng kanilang pasilidad gayung ‘di nman nalulugi ang kumpanya, mga milyong bonuses na ibinibigay sa mga opisyal nito at ang hindi pagbabayad ng tax.
Ibinunyag din ng PAPI ang naging basehan sa pagkansela ng Kongreso sa legislative franchise ng PECO at ang pagsasampa nito ng iba’t ibang kaso sa korte at Energy Regulatory Commission (ERC) para mapigilan ang pag-ooperate ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power).
Kasama rin sa report ang naging takbo ng operasyon ng More Power mula nang mag-take over ito bilang power supplier ng Iloilo City simula Pebrero 2020 at ang mga nagawa na nito sa loob ng maikling panahon.
Sa resulta ng investigative report ng PAPI, sinabi nito na pabor sila sa naging desisyon ng Kongreso na bawian ng franchise ang PECO dahil narin sa violations at mababang kalidad na serbisyo na ibinibigay nito bilang power operator.
Ang investigative report ng PAPI ay mababasa sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/.
***
Nagtataka tayo rito kung bakit pinapayagan ng gobierno ang bagong telco na Dito Telecommunity Corp. na sa loob ng mga kampo ng militar ito magtatayo ng kanilang towers, na maaring gamitin ng China sa paniniktik sa mga ikinikilos ng ating security forces.
Ang Dito na pag-aari ng bagong oligarch na bespren ni Pangulong Rody Duterte na si Dennis Uy ay ka-partner ang mga Chinese sa naturang telco.
Kaya tama si Senadora Risa Hontiveros na imbestigahan ng Senado itong Dito dahil sa posobleng implikasyon nito sa national security.
“Nagpapasakop ba tayo? Ang isang China-owned telco sa kampo ng sarili nating militar ay lubos na kaduda-duda, lalo na ang Tsina ay hindi humihinto sa agresibong pag-angkin sa West Philippine Sea, pagsira sa ating likas-yaman, at pag-abuso sa mga mangingisdang Pilipino,” say ni Risa.
Sa aking palagay, may kumikita ng malaki sa pagbigay-pahintulot sa Dito na sa loob ng militar ito magtayo ng kanilang towers. Magkano ka ba dito, Sec!