Advertisers

Advertisers

P4.5b intel fund ni PDu30 at ang P679m pondo ni VP Leni

0 242

Advertisers

APING -API naman ang Office of the Vice President ni Leni Robredo pagdating sa pondo nito sa taon 2021.

Oo! mantakin nyo, mga pare’t mare, sa lahat ng tanggapan ng gobierno ay ang OVP lang ni Robredo ang tinapyasan at binig-yan lang ng Department of Budget and Management (DBM) ng pinakanaliit na pondo, P679 milyon lang para sa sunod na taon. Sakto lang yata ito pangsueldo sa mga empleyado, pambili ng office supplies at pang-gas ng service vehicles. Nitong 2020 ay P708.01m ang budget ng OVP.

Kunsabay “spare tire” nga lang kung tawagin ang VP. Magkakaroon lamang ng trabaho ang VP kapag comatose o natigok na ang pangulo.



Pero hindi naman yata tama na gawing kaawa-awa ang tanggapan ng napaka-honest na Bise Presidente na napakasipag sa charity works. Sabi nga ng ilang kongresista, dapat gawing P1 BILYON ang pondo ni VP Leni.

Ngayon kasing panahon ng pandemya ng covid, ang tanggapan ni VP Leni ay bising bisi sa pagkaloob ng tulong sa frontliners at ayuda sa mga nangangailangan, sa tulong narin ng mga donasyon ng mga pribadong kumpanya.

Kumpara sa tanggapan ni Pangulong Rody Duterte, pinagkalooban ito ng P4.5 BILYONG INTEL FUND! Napakalaki! Ang rason dito ng DBM ay kailangan ito ng pangulo para sa paninik-tik sa mga nagnanais magpabagsak sa gobierno. Aba’y teka muna… sino ba ang gumigiba sa gobierno, eh sila itong nagse-self distract, right?

Nandiyan naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na bilyones din ang mga pondo para sa paniniktik laban sa mga kalaban ng pamahalaan. Kaya wala nang kailangan na buhusan pa ng sako sakong taxpayers money para sa intelligence gatherings ang tanggapan ng Pangulo.

Sayang lang kasi ang multi-billion intel fund para sa Pangulo na hindi rin naman nito natutunugan ang mga mandarayang kumpanya na nakakakuha ng napakalalaking kontrata sa gobierno tulad nalang nitong Chinese firm na blacklisted pala ng Amerika pero nakorner ang paggawa sa Sangley Point Airport.



Napakarami naring banyagang terorista ang nakapasok sa bansa at naghasik ng lagim na ‘di manlang nalalaman ng tanggapan ng Pangulo. Nandiyan din ang pagpasok ng bilyon bilyong halaga ng mga iligal na droga na ‘di nahaharang ng intel ng gobierno.

Maging ang pagtatago nga ng kilalang drug lord na si Peter Lim ay ‘di matumbok-tumbok gayung “kumpale” pa ito ni Pangulo.

Sa ganang akin, waste of taxpayers money lang ang intel fund para sa Office of the President. Duplication lang ito ng pondo para sa intel ng AFP, PNP at NICA eh! Mismo!

Bakit ‘di nalang ibuhos ang pondong ito sa health, edukasyon at mahihirap na lugar sa Pinas.

Oo nga pala… dapat bigyan din ng pondo ang SAP sa 2021 dahil naniniwala ako na tatagal pa ang pandemyang ito. Baka abutin pa ito ng 2022 para No-El eh. Wag naman sana!!!

***

Inirereklamo ng negosyanteng si Mario Consignado ang traffic enforcers sa Navotas City na pinamumunuan ni Mayor Toby Tiangco.

Ayon kay Consignado, nasa bandang corner C-4 at N. Naval siya nang biglang habulin ng traffic enforcer at kinuha ang kanyang lisensiya. Ang rason ng enforcer, may nagsabi lang raw sa kanya na pumasok siya (Consignado) sa one-way.

Hearsay evidence nga naman ito, Mayor Tiangco.

Inirereklamo rin ni Consignado ang Bagong Silang, Caloocan DPSTM sa Camarin. Kinumpiska raw ang kanyang tricycle nang wala manlang acknowledgement receipt.

Aniya, sana ay bayaran nalang ng Caloocan City gov’t. ang kanyang tricycle.

Anong say n’yo rito, Caloocan DPSTM?