Advertisers

Advertisers

PCUP NAGBAHAY-BAHAY SA PAMAMAHAGI NG AYUDA

0 489

Advertisers

Bilang katiyakan na mapapasakamay sa mga benepisaryo ang halagang P18K na INTERIM SHELTER FUND laan sa OPLAN LIKAS PROGRAM ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) ay nagbahay-bahay na ang PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) para sa pamamahagi ng nasabing asisteng pangpinansiyal.

Inihayag nitong si PCUP CHAIRMAN at CEO ALVIN FELICIANO na ninanais niyang magtuloy-tuloy ang pamimigay at mas mapabilis ang pagbibigay tulong sa mga nawalan ng trabaho at hindi magawang makabiyahe ng malayuan dahil na rin sa mga health protocol.

“Dahil wala pang transportasyon, kami po mismo ang pumupunta sa bahay-bahay pang ihatid ang mga tseke, para na rin maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao na hindi makakabuti sa pagsugpo sa virus,” saad ni FELICIANO.



Ang OPLAN LIKAS PROGRAM ay para sa mga informal settlers na nakatira sa mga pangunahing daanan ng tubig at mga lugar na mapanganib sa METRO MANILA na binigyan ng pabahay ng NATIONAL HOUSING AUTHORITY sa mga probinsiya ng BULACAN, CAVITE, RIZAL at LAGUNA.

Ang PCUP RESETTLEMENT UNIT na siyang nakatoka sa nasabing programa ay nakapamahagi na sa 1,793 benepisyaryo simula 2017 hanggang 2019.

Sa pagsailalim sa QUARANTINE nitong Mayo hanggang sa kasalukuyan ay nakapag-abot na ang Komisyon sa 181 benepisyaryo na inihatid mismo sa mga relocation sites sa Pandi, Bulacan; Calamba, Laguna; Bocaue, Bulacan; Trece Martires, Cavite; Rodriguez, Rizal; SJDM, Bulacan; Teresa, Rizal; Baras, Rizal; at Norzagaray, Bulacan.

Katuwang ng Komisyon ang mga UPO leaders at mismong LGUs ng mga probinsiya sa pamamahagi ng mga tseke para na rin masiguradong nasusunod ang mga health protocols na ipinapatupad.

Inaasahang may endorsement na ibibigay ang DILG sa PCUP na tinatayang 400-500 benepisyaryo ang makakatanggap ng 18k Interim Shelter Fund.



Tuloy-tuloy lang ang pagproseso ng DILG sa mga 18k claimants at ngayon buwan din ay nakahandang mag-endorso ang DILG sa PCUP para makakuha na ang mga taga-PARAÑAQUE HOMES II Parañaque City, at karagdagang 20 benepisyaro na nakatira sa iba pang NHA at SHFC housing programs!

CONSTITUENT PINAGMAMALASAKITAN
NG QC MAYOR!

Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin mga benepisaryo ng SOCIAL AMELIORATION PROGRAM (SAP) ang hindi pa nakatatanggap na puspusang inusisa ni QUEZON CITY MAYOR JOY BELMONTE ang tanggapan ng DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD) bilang malasakit sa kanilang mga constituent na matanggap ng mga ito ang asisteng pinansiyal na katulungan ng gobyerno ngayong panahon ng COVID-9 PANDEMIC.

Bunsod nito, ang DSWD sa pamamagitan ni NATIONAL CAPITAL REGION LOCAL GOVERNMENT UNIT COORDINATOR FOR QC ILENE LOTINO ay inimpormahan si QC MAYOR BELMONTE patungkol sa pagkakaantala sa pamamahagi ng ayuda sa SAP BENEFICIARIES para sa kanilang mga kalunsod.

“Sa wakas, nakipag-ugnayan na rin sa atin ang DSWD pagkaraan ng matagal na panahon nating pag-aapela na mabigyan ng paglilinaw. Maraming residente na ang dumadaing sa atin. Karamihan sa kanila ay nawalan ng kabuhayan at wala nang panggastos para sa araw-araw na pangangailangan,” saad ni BELMONTE.

Ayon sa rason umano ng DSWD ay nahihirapan ang nasabing ahensiya sa pamamahagi dahil marami sa mga benepisaryo ay hindi kumpleto ang impormasyon tulad ng cellphone number.

“The new payment facility proposed by the DSWD will hasten the payout process as it also provides manual payout delivery services to recipients who do not have contact numbers for wire transfers. Pinaplantsa lang nila ang mga detalye para ito’y agad na maisakatuparan at upang mapakinabangan na ng ating mga residente ang SAP na ipinangako sa kanila ng national government,” pahayag pa ni MAYOR BELMONTE.

Sa pagtantiya ni MAYOR BELMONTE ay maaaring maipamahagi at matanggap na ng kanilang mga kalunsod na SAP BENEFICIARIES ang 2nd part ng national government financial assistance na nagkakahalaga ng P8K!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o mag-text sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.