Advertisers

Advertisers

Iba talaga ang agimat at mahika ni DOH Sec. Duque sa ating Pangulong Duterte

0 226

Advertisers

Iba talaga ang taglay na agimat at mahika ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque sa ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte.

Saksi tayong lahat sa ating isyung pinag-uusapan hinggil sa hawak na alas ni Duque ke saan man dako o laro tayo humantong. Halos sa lahat ng aspeto ay nagagamit nito ang kanyang alas at baka joker pa na mas higit sa alas.

Mantakin niyong binigyan lang ng warning itong si Sekretaryo samantalang lahat ng kanyang kasama sa Philwealth este PhilHealth na nasa likod ng mga katiwalian ay sinampahan ng kasong graft and corruption at kung ano-ano pa sa Department of Justice (DOJ).



Bilang Chairman of the Board si Duque sa PhilHealth, sasabihin niyo bang walang kinalaman ito sa bilyon-bilyong pisong halaga na nawawala sa kaban ng nasabing institusyon? Tell it to the marines…

Isipin niyo na lang sa katatapos na imbestigasyon ng Task Force PhilHealth, parang lumalabas na spare agad ang pangalan ni Duque, kumbaga ay absuwelto agad ito, di po ba?

Kung kaya’t marami ang nagulat sa kinalabasan ng imbestigasyon gaya na lamang nina Senate President Tito Sotto, iba pang senador at mga kongresista na ayaw pumayag na walang pananagutan si Duque sa nasabing katiwalian.

Biruin niyong mula sa CEO nitong PhilHealth na si Ricardo Morales at iba pang matataas na opisyal hanggang sa mga Regional Directors ay sinampahan lahat ng kaso sa DOJ maliban kay Duque na Chairman of the Board pa mandin..

Kung sa bagay ay huwag na tayong magtaka dahil kung tatlong beses na nagsumite ng resignation letter ito sa ating Pangulo ay apat na beses naman itong hindi tinanggap.



Wala raw kasi sa proper timing ang resignasyon nito lalo na nga naman sa panahon ng pandemya. Maaari ngang kailangan pa siya at may motibasyon pa sa kanya si Pangulong Digong, wait and watch na lang muna tayo hehehe.
***

KALYE JUAN LUNA SA DIVISORIA, NAMUMULAKLAK NA NAMAN SA VENDOR

Muli na namang namulaklak sa mga vendor ang kalye Juan Luna sa Divisoria na kung saan ay hindi na naman ito pwedeng madaanan ng anumang sasakyan.

Halos magkapalit-palit na raw ang mga mukha ng mga vendor na ito na di inaalintana ang health protocol na social distancing, di raw ito uso sa kanila.

Mas mainam pa raw noong araw na ilan vendor organizer lang ang humahawak nito, may sistema raw at mas may disiplinang sinusunod.

Maraming nagsasabi na kung kaya’t lumobo na naman ang populasyon ng mga vendor na ito ay dahil sa ang mga vendor organizer daw ay pinalitan na ng mga marshall na nuknukan din ng dami.

Kung noon daw ay dalawa lang hanggang tatlong vendor organizer lang ang nagpapalakad ng mga vendor sa nasabing lugar, ngayon daw ay10 hanggang 12 marshall ang nangangasiwa dito.

Mantakin niyong 10-12 marshall, siyempre matic at normal din na mas maraming vendor itong hahawakan at kokolektahan, di po ba?

The more, the merrier nga naman. Sayang lang nga naman ang pagkakataon kung kaya’t lahat ng applikante ay tanggap agad basta’t may pambayad lang ng matrikula…hehehe

Bukod sa koleksiyon ng mga marshall araw-araw, natural lang daw at di pwedeng mawalan ang kapulisan natin mula sa MPD-PS2, iyon ang sabi nila.