Advertisers
HAPPY and excited ang Kapuso comedian na si Divine Tetay dahil balik-trabaho na siya para sa GMA drama anthology na ‘I Can See You: High Rise Lovers.’ Makakasama niya rito sina Lovi Poe, Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga at Tom Rodriguez.
Sa kanyang latest vlog, ipinasilip niya ang pagte-taping sa ilalim ng new normal.
Aniya, “I’m so happy to announce po sa inyo na officially we are back to work! Back to taping na kami after six long months! Thank you, Lord!”
Ipinakita rin niya ang kanyang kwarto habang naka-lock-in taping at mga baong pagkain at gamit. “I hope you guys are okay because I am so okay. I just want to share the love and happiness sa inyo,” say pa ni Tetay.
***
Alden Richards sa pagbabalik-taping para sa I Can See You: “Sobrang iba talaga.”
Isa si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa mga Kapuso star na sumabak nang muli sa pagte-taping sa ilalim ng new normal. Kabilang si Alden sa star-studded cast ng pinakabagong drama anthology ng GMA-7 na ‘I Can See You’. Makakatambal niya para sa unang installment na ‘Love On The Balcony’ ang Kapuso leading lady na si Jasmine Curtis-Smith.
Sa kanyang panayam sa 24 Oras ay inamin ni Alden na nanibago siya sa unang acting project matapos ang ilang buwan na community quarantine, “First project shoot ko ‘yun since March. So, sobrang iba talaga.”
Idinetalye rin ng Kapuso actor ang pinagdaanan nilang preparasyon bago mag-taping para maging handa habang nasa set, “’Yung mga preparation prior to tapings nag-iba rin. Swab testing, tapos health monitoring. On the set, health monitoring pa rin. After nung taping namin, ‘yung last day, nag-antigen swab kami.”
Dagdag pa ni Alden, “’Tapos lahat hindi ko nakita ‘yung mukha. Lahat naka-mask, lahat naka-face shield. So, new environment.”
Makakasama rin nila sa ‘Love On The Balcony’ sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez. Mapapanood ang unang installment ng I Can See You, sa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos, ngayong September 28 na sa GMA Telebabad.
***
Direk Louie Ignacio sa pagsisimula ng The Clash Season 3: “Game!!!”
Tuluy na tuloy na ang search para sa next singing sensation sa The Clash Season 3! Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Direk Louie Ignacio ang behind-the-scenes mula sa taping ng original musical competition.
Bukod sa pagsusuot ng face mask at face shield, kinailangan ding sumailalim ng lahat ng staff sa swab testing para masiguradong negative sila sa COVID-19.
Anu-ano kayang pasabog ang ihahain ng The Clash sa pinakabago nitong season? Abangan. (Rommel Gonzales)