Advertisers

Advertisers

BASANG-SISIW SI VELASCO

0 453

Advertisers

ANG ‘gentleman’s agreement’ ba nina Speaker Alan Peter Cayetano at ‘rejected Speaker’ Lord Allan Velasco ay nabuo, napagkasunduan nila nang sa ‘kanila’ lamang?

Sila lang ba – Cayetano at Velasco, ang nagkasundo, at hindi kasama ang mahigit sa 200 kapwa nila kongresista ng House of Representatives – na ayon kay Bulacan Representative Jose Antonio Sy-Alvarado ay naging “Bahay ng mga Mamamayan” ang House of Representatives dahil sa mahusay na liderato ni Cayetano?

Hindi ba kasali sa usapang maginoo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte?



Tandaang hindi ‘personal’ ang kasunduang iyon nina Velasco at Cayetano na maghahati sila sa liderato ng House, kasali rito ang Pangulo, mga kinatawan, at ang mga mamamayan.

Sa ginanap na miting sa Malakanyang, pumayag na si Cayetano na kusang magbitiw sa Oktubre 13, upang sa Oktubre 14, si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ang pupukpok ng malyete sa tribuna ng House bilang bagong Speaker.

Sa miting, pinakiusapan ni Duterte si Velasco na kung pwede, hayaan si Cayetano na tapusin ang pag-apruba sa 2021 national budget na tatagal hanggang Disyembre, pero ano ang ginawa ng kongresista ng Marinduque?

Ilang ulit na ginawa ng Pangulo ang pakiusap, pero mariin ang pagtanggi ni Velasco, ito ang pinakamalaking pagkakamali niya: Binabastos ba niya ang Presidente?

***



Pinakiusapan ni Velasco ang Pangulo na mamagitan sa ‘awayan sa speakerhip’ at nang mapapayag si Cayetano na isuko na ang malyete ng House bilang paggalang sa kasunduan, nagpakita agad ng angas at tigas ng ulo ang bagitong kongresista, kaya nang kumilos ang mayorya, siya ay parang batang inagawan ng kendi.

Ano ang naging balikwas ng pagtanggi niya kay Presidente Duterte, e di ang hambalos kay Velasco nang magbotohan kung tatanggapin ang biglaang alok ni Cayetano na mag-resign, nangyari na siya ay binastos din maging ng kasamahan niya sa minorya.

Kitang-kita, walang paggalang kay Velasco ang mayorya; mas tanggap nila si Cayetano, yan ay isang malaking sampal sa bagitong kongresista.

Kung pinagbigyan ni Velasco ang Pangulo, pag kumumpas ito, gaya ng sinabi ni Cayetano, pag inutusan siya ni Duterte na magbitiw hindi lang bilang speaker kungdi maging ang pagka-kongresista ng Taguig, gagawin niya bilang pagrespeto sa kanyang “Boss.”

Kaya ngayon, tapos na, sabi nga ang boksing, kahit magkandarapa siya ngayon sa pakiusap sa Presidente, hindi na ito makikialam.

Bahala na sa kanya si Batman at si Spiderman!

***

Kahit pa nga makialam uli ang Pangulo, mananatiling speaker si Cayetano dahil hawak niya ang super majority, pati ang kokonting minority.

Kaya kahit maglupasay pa si Velasco sa Palasyo, maliwanag na siya ay talo.

Tiyak na sa botohang mangyayari sa Okt. 14, sa basurahan na pupulitin si Velasco at ang term-sharing ay siguradong mapupurnada na.

Hindi mangyayari na sisihin ang Pangulo sa pagbasura sa hatian sa speakership dahil siya ay namagitan lamang sa agawan ng ‘bibingka,’ sabi nga.

Ang talagang magpapasya ay ang mahigit na 300 miyembre ng Kamara – at ang halos lahat sa kanila ay nakataya ang baraha kay Cayetano.

Kung tinanggap ni Velasco ang pakiusap ng Pangulo na sa Disyembre na maupo at hayaang tapusin ni Cayetano ang deliberasyon ng 2021 budget, hindi siya magmumukhang basang-sisiw ngayon.

Sinayang ni Velasco ang tsansa niya at ang katigasan ng ulo niya ang dapat niyang sisihin at hindi ang pagiging walang palabra de honor ni Cayetano.

***

Bakit nagpapatayan ang kahit magkakapatid, magkakamag-anak, matatalik na magkakaibigan at magkakapartido sa pag-aagawan sa puwesto pamahalaan?

Maliwanag ang katotohanan:

Negosyo o hanapbuhay at walang tigil na kalayawan at bisyo ang talagang pakay nila sa kunwari ay maglilingkod ng tapat a bayan.

Bakit nagagawa ng iilan na ito na manatili a kapangyarihan at pagsasamantala sa salapi ng bayan?

Bakit laging interes nila ang nasa isip ng mga “public servants” na ito na ang tunay na kulay ay mga “magnanakaw na de-kotse, de alahas, de pabango” pero nanlilimahid sa dumi ng dangal at kalooban?

***

Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang po sa bampurisima@yahoo.com.