Advertisers

Advertisers

Duque pinagbibitiw, Morales pinakakasuhan sa PhilHealth anomaly

0 307

Advertisers

PINAGBIBITIW ng Health Alliance for Democracy (HEAD) si Health Seceetary Francisco Duque habang pinakakasuhan naman ang nag-resign na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) CEO Ricardo Morales dahil sa umano’y mga katiwalian sa ahensiya.
Pasado 10:30 Biyernes ng umaga, Oktubre 2, nang magsagawa ng pagkilos ang mga health workers sa harap ng gusali ng DOH bitbit ang placards at sanggol na effigy ni Duque.
Nakasaad sa tarpaulin ang mga katagang “Oust Duque” “papanagutin si Morales”.
Iginiit ng grupo na dapat papanagutin si Morales sa isyu ng korapsyon sa PhilHealth.
Habang iginiit ng grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na si Duque dahil sa kapalpakan nito at katiwalian. (Andi Garcia)