Advertisers
KINUMPIRMA ng Malakanyang na bibigyan ang mga sanggol at mga nanay na maselan ang pagbubuntis ng cash o food packs.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa Pulong Balitaan nitong Biyernes, Oktubre 2.
Ito’y kasunod na rin ng pag-apruba ng Inter- Agency Task Force (IATF) sa isang resolusyon ngayong umaga.
Saad pa ni Roque na sa ilalim ng tinatawag na dietary supplementation program, tatanggap ng cash o food packs ang mga sanggol na may edad anim na buwan hanggang 23 buwan at tinatawag na nutritionally at risk pregnant women.
Hindi naman binanggit ni Roque kung magkano ang halaga ng cash na iaabot sa mga nanay at mga sanggol.
Dagdag pa ni Roque na bahagi to ng pagpapahusay sa health care ng mga Pilipino at isang paraan na rin para mabawasan ang insidente ng gutom sa bansa epekto ng pandemya. (Josephine Patricio)