Advertisers
Tutol ang National Historical Commission of the Philippines sa pagbebenta ng war reparation assets ng Pilipinas na nasa Japan.
Sa plenary deliberation ng pondo ng NHCP maging ang sponsor ng budget ng komisyon na si Albay Rep. Joey Salceda ay sinabing hindi ito pabor sa pagbebenta ng naturang mga asset.
Ayon sa komisyon, hindi maaaring ibenta ang naturang mga property dahil ito ay idineklara bilang natioan cultural treasures.
Una naman nang inihain ni Cagayan de Oro Rep Rufus Rodriguez ang House Resolution 1220 upang himukin ang Kongreso na tutulan ang pagbebenta sa naturang mga property sa Roppongi at Nampedai sa Tokyo at ang dalawang iba pa na nasa Kobe.
Itinutulak ang pag-bebenta ng naturang war reparation assets bilang pandagdag sa retirement fund ng mga beterano.
Dagdag pa ni Rodriguez, kinakailangan ng concurrence o pagsang-ayon ng Pangulo at Kongreso upang ito ay maisakatuparan. (Henry Padilla)