Advertisers

Advertisers

No. 1 at 5 most wanted sa Maynila timbog

0 219

Advertisers

NALAMBAT sa bisa ng warrant of arrest ang No. 1 at No. 5 most wanted criminals sa Maynila na may mga kasong Murder at Rape sa magkahiwalay na operasyon sa Dasmariñas, Cavite at Sta. Ana, Manila.
Sa ulat, naaresto si Alexander Barliso alyas ‘Alexander Valieto’, 45, tricycle driver, ng Mabuhay City Subdivision, Paliparan, Dasmariñas.
Ayon sa report, number 1 most wanted si Barliso sa kasong pagpatay. Walang inilaang piyansa sa kanyang pansamantalang paglaya. 4:10 ng hapon nung Huwebes nang mahuli si Barliso sa kanyang tahanan sa Mabuhay City Subd. Ang arrest warrant ay mula sa sala ni Hon. Rodolfo Ponferrada, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court Br. 41.
Naaresto naman si James Casim, 55, truck driver at naninirahan sa 380 Tongco Compound, McArthur Highway, Valenzuela City, nitong Oktubre 3 sa kahabaan ng McArthur Highway sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Jacqueline Martin- Balictar, Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court Br.09 sa kasong Rape. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)