Advertisers
Ang bansa natin ay nag-aangkat mula sa iba’t ibang bansa ng “RAW MATERIALS” na sangkap sa paggawa ng produktong “CANNED MEATS” na dapat ay mapanatili ng ating gobyerno ang magandang pakikipagrelasyon sa ibang mga bansa para sa kapakanan at seguridad ng ating FOOD INDUSTRIES.
Ito ang tema sa panawagan ng mga bumubuo ng PHILIPPINE ASSOCIATION OF MEAT PROCESSORS INC. (PAMPI) na pinamumunuan ni FELIX TIUKINHOY JR. sa ating gobyerno sa pangambang mameligro ang kalakalan sa FOOD INDUSTRY makaraang magkaroon ng hidwaan ang ating bansa at ang BRAZIL kamakailan.
Ang hidwaan ay nagsimula nang nagdeklara ang ating DEPARTMENT OF AGRICULTURE para sa pansamantalang pagbabawal sa pag-aangkat ng chicken meats mula sa BRAZIL dahil sa isyu ng HEALTH & PHYTOSANITARY. Bunsod nito ay nagbanta naman ang BRAZIL nitong nakaraang buwan na puputulin nila ang pagbibigay ng raw materials sa ating bansa na sadyang maaapektuhan ang ating LOCAL MEAT PROCESSING INDUSTRY.
Nitong September 5, 2020 ang BRAZIL ay binantaan ang PHILIPPINE GOVERNMENT sa pamamagitan ng joint statement mula sa MINISTRY OF EXTERNAL RELATIONS AFFAIRS at MINISTRY OF AGRICULTURE ng nasabing bansa…, na ang aksiyon ng ating DA ay labag umano sa itinatakda ng WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO) POLICY.
Batay sa joint statement ng nasabing bansa, ang lahat ng rekomendasyon mula sa FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION OF THE UNITED NATIONS (FAO), ang WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO) at ang CODEX ALIMENTARIUS ay nagsasaad na ang food and food packaging ay hindi transmission vehicles ng COVID-19.
“The Philippine government’s current imposition of a temporary ban over imports of Brazilian poultry meat did not follow the necessary and mandatory principles and Phytosanitary Measures (SPS Agreement), and, therefore, is in clear violation of Article 5 of the WTO SPS Agreement,” nakasaad sa statement.
Nitong September 11, 2020 ay nilinaw ng FOOD AND DRUG ADMINISTRATION sa PAMPI na walang ebidensiyang susuporta sa sinasabing transmission ng COVID-19 virus mula sa food o food ingredients. Ang WHO ay nagpunto rin na ang virus mula sa COVID-19 ay mapupuksa o mapapatay sa temperaturang katulad ng mga known viruses at bacteria na makikita sa mga pagkain. Kailangan aniyang naluto ng husto ang mga pagkain bago ilatag sa hapag-kainan o bago kainin ayon sa paglilinaw ni FDA DIRECTOR GENERAL ENRIQUE DOMINGO sa liham na ipinadala sa PAMPI.
“Generally, coronavirus need live human or animal host to multiply and survive. The poor survivability of these coronaviruses on surfaces of materials will likely have a very low risk of spread from food packaging or even food products,” ayon sa pahayag ng FDA.
iIpinunto ng PAMPI na ang ating bansa ay nag-aangkat ng 800 metric tons ng mga karne taun-taon.., na ang 50% hanggang 60% nito ay ginagamit sa pagpo-proseso sa paggawa ng canned meat products, hotdogs at frozen meat items.
“About 90 percent to 95 percent of raw materials of meat processing industry are imported. Not because we want to, but because we have to,” pahayag ni PAMPI PRES. TIUKINHOY JR.
Ipinunto ng PAMPI na nag-aangkat ang ating bansa ng mga raw materials na pansangkap sa paggawa ng mura o AFFORDABLE CANNED MEAT PRODUCTS upang masustinehan ang pagkain ng mamamayan sa kalagitnaan ng COMMUNITY QUARANTINE na dulot ng CORONAVIRUS PANDEMIC.
“The meat processing industry will continue to grow and support its commitment to supply the food needs of the country. Working with stakeholders and government regulators, we shall resolve and mitigate difficult issues together,” saad ni TIUKINHOY JR.
Ang naging pagbabawal sa pag-aangkat ng MECHANICALLY DEBONE MEAT (MDM) mula sa BRAZIL ay binawi ng DA noong September 7, 2020 sa pamamagitan ng MEMORANDUM ORDER NO. 42.
“Without MDM from Brazil our cost of raw materials would spike by 20 percent and we cannot pass on the rising cost to our consumers because of Repubic Act 7581 or the Price Act signed by President Duterte recently.., and we appeal to the government for an intervention so that we will be able to deliver our commitment to serve our people through a sustainable food security system,” paglilinaw pa ng PAMPI.
Ang PAMPI members ay nakagawa ng 260 milyon canned goods nitong March-May LOCKDOWN PERIOD na ipinamahagi sa QUARANTINED POPULATION sa pamamagitan ng national relief agencies, local government units, volunteer groups at nakapamigay rin ng 4 milyon kilograms na frozen meat items.
“The P310 billion meat processing industry provides direct employment to some 150,000 people. In 2019, the industry produced some 900 million kilograms of processed meats,” pagpupunto ng PAMPI.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.