Advertisers

Advertisers

NBA Finals: Lakers isang panalo nalang vs Heat

0 213

Advertisers

ISANG panalo nalang ang kailangan ng Los Angeles Lakers para maangkin ang kanilang unang NBA championship sa loob ng 10 taon.
Bumawi sina LeBron James at Anthony Davis mula sa kanilang malamyang pagganap sa Game 3, upang buhatin ang Lakers tungo sa 102-96 wagi laban sa makulit na Miami Heat sa Game 4 ng NBA Finals sa Walt Disney World Complex sa Orlando, Florida kahapon.
Yumuko ang Lakers sa Heat sa Game 3 dahil sa dambuhalang 40-point triple-double ni Jimmy Butler, pero hindi na duplicate ng Miami nang manalasa ang tambalan nina James at Davis.
Kumamada si James ng 28 points, 12 rebounds, at eight assists, habang si Davis nag-ambag ng 22 point, nine rebounds, four assists at four blocks at steal.
Si Davis ang tumapos sa panalo, ng itarak ang three-pointer sa 39 segundong nalalabi para ibigay sa Lakers ang 100-91 advantage.
Ang Lakers, na puntirya ang 17th title in franchise history, ay may pagkakataon na tapusin ang series sa Sabado Game 5.
Sa panig ng Heat, nagtapos si Butler ng 22 points,10 rebounds, nine assists at three steals habang si Bam Adebayo na bumalik sa aksyon matapos mawala sa nakalipas na dalawang games dahil sa neck injury ay nagtala ng 15 points at seven rebounds sa 33 minutong aksyon.
Rookie guard Tyler Herro umiskor ng 21 points para sa Heat.