Advertisers
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.PATAY ang enumerator ng Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbabarilin sa Barangay Pagdaraoan, San Fernando City noong gabi ng Oktubre 7.
Kinilala ang biktima na si Gilyore Gurion, 22, residente ng Brgy. Lingsat ng naturang lungsod.
Sa ulat, binaril si Gurion ng hindi kilalang salarin sa dibdib at paa na agad niyang ikinamatay.
Nabatid na may hawak nang CCTV footage sa lugar kungsaan nangyari ang krimen ang pulisya.
Dalawang anggulo ang sinisiyasat ngayon ng San Fernando City Police kaugnay sa kaso.
Mayroon narin persons of interest ang San Fernando City Police sa krimen ngunit hindi pa nila pinangalanan ang mga ito dahil patuloy pa ang imbestigasyon.(PFT team)