Advertisers

Advertisers

Grabeng kademonyohan ng ama, tiyuhin at mga utol

0 392

Advertisers

MASASABI kong mapapahiya si “Satanas” sa ginawa ng isang ama, tiyuhin at magkakapatid sa mag-ina sa Barangay Dumabel, Aglipay, Quirino Province.

Mantakin mo, mga mare’t pare, ang isang 17-anyos na may problema pa sa pag-iisip ay ginahasa at nabuntis ng kaniyang mga tiyuhin, matapos siyang anakan naman ng sariling ama noong kinse anyos palang ito.

Samantalang ang kanyang 49-anyos na ina naman ay inaasawa ng kanyang sariling bunsong kapatid. Napaka-demonyo!



Ayon sa hepe ng pulisya ng Aglipay Municipal Police Station na si Capt. William Agpalza, nagsimula ang kalbaryo ng mag-ina nang pagsamantalahan ng kanyang mister ang kanilang dalagita na noo’y 15-anyos pa lamang taon 2018.

Pinakulong ni misis ang mister at umuwi ito sa kanilang family house sa liblib na lugar sa Bgy. Dumabel na malayo sa bayan, kungsaan kasama niya sa bahay ang tatlong kapatid na lalaki na pawang walang asawa.

Sa piling ng kanyang mga kapatid na lalaki, lalong naging impiyerno ang buhay ng mag-ina. Ginahasa ang ina ng paulit-ulit ng kanyang bunsong kapatid. Tapos ‘yung anak na dalagita naman ay ginagawang parausan ng dalawa pa niyang kapatid.

Ang dalagita ay 8 months nang buntis ngayon.

Dahil dito, naglakas-loob na ang misis na magsumbong sa barangay at sinamahan ito ng mga opisyal para magsumbong sa pulis sa bayan.



Naaresto ang magkakapatid, habang ang mag-ina ay ibinigay sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kuwento ng misis sa pulisya, hindi siya makapalag sa pambabababoy ng kanyang bunsong kapatid dahil lagi itong may nakasukbit na itak sa tagiliran at pinagbabantaan siyang papatayin pati ang kanyang dalagita kapag nagsumbong sa mga awtoridad.

Ngunit nang malaman ng misis na pati ang kanyang dalagita na may deperensiya sa pag-iisip ay nabuntis bunga ng pambabababoy naman ng dalawa pa niyang kapatid ay naglakas-loob na itong dumulog sa barangay, dahilan para maaresto at makulong ang tatlong buhong nitong kapatid.

Ayon kay Capt. Agpalza sumikat ang kanilang bayan dahil sa kababuyan ng magkakapatid na ito.

Reaksiyon naman ng mga pulis ng Aglipay MPS, pati raw si Satanas ay mapapahiya sa nakakasulasok na kababuyan ng magkakapatid na lalaki.

Galit na galit naman ang netizens sa insidenteng ito ng kalaswaan. Dapat daw ay putulan ng ari at bitayin ang mga demonyong magkakapatid na lalaki. Dapat daw ay ibalik na ang death penalty.

Umabot sa halos 6 milyon ang nakabasa ng balitang ito sa Facebook Page ng Police Files TONITE.

Dahil sa mga brutal na reaksiyon ng netizens, inalis ng Facebook ang naka-post na balita sa nakakasulasok na pangyayari.

Ang advise ko naman sa mga nagpapamilya, iwasang tumira sa mga kapatid na lalaki lalo kung wala itong mga asawa at nasa liblib na lugar. Mismo!

***

Asahang magiging magulo na ang Kamara simula ngayon, bunga ng agawan sa speakership nina Taguig Congressman Alan Peter Cayetano at Marinduque Cong. Lord Allan Velasco.

Si Cayetano ay pinapaboran ng 200 kongresista na nakapirma sa manifesto, habang si Velasco ay sinasabing mayroon siyang 186 supporters.

Bakit 386 na ba ang mga kongresista ng Pilipinas? Eh 304 lang naman ang miyembro ng Kamara, lima pa rito ay patay na. Tsk tsk tsk…

Say ni Cayetano, iligal ang sesyon ng pro-Velasco dahil gina-nap ito sa labas ng Kamara ng walang permiso ng nakararami. Siya parin daw ang ligal na Speaker!