Advertisers
INIHAHANDA na umano ng Department of Justice (DOJ) ang kopya ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Anti-Terrorism Law matapos inaprubahan na ng Anti-Terrorism Council.
Ayon kay DOJ Sec. Menardo Guevarra, ang kopya ng IRR ay ipapadala sa Kongreso at sa mga law enforcement agencies bilang pagsunod na rin sa naturang batas.
Saad pa ni Guevarra na ngayong araw ng Miyerkules, Oktubre 14, lamang nabuo ng technical group na pinangungunahan ng DOJ ang detalye ng IRR para sa naturang batas.
Ayon pa kay Guevarra ang detalye ng IRR ay ilalathala rin muna sa internet at sa pahayagan na mayroong general circulation sa susunod na mga araw.
Nilinaw pa ni Menardo na ngayon lang din nailabas ang IRR ng RA 11479 o Anti-Terrorism Act kung saan naging epektibo na ito noong Hulyo 18. (Josephine Patricio)