Advertisers
NAGBIGAY ng paglilinaw ang Department of Justice (DoJ) sa isyu ng warrantles arrest na nasa ilalim ng Anti Terror Act of 2020.
Sa pahayag ni DoJ Usec. Adrian Sugay, klinaro raw ng council ang ibig sabihin ng warrantless arrest at siniguro nitong naayon ito sa saligang batas.
Ayon kay Sugay, ang nilalaman ng implementing rules and regulation (IRR) ng Anti Terror Law ay para magabayan ang mga mamamayan kung paano susundin ang batas at kung ano ang dapat gawin ng mga law enforcement agencies.
Hindi raw ito para sa bahagi ng mga otoridad lamang kundi ang naturang batas ay para sa kaligtasan ng lahat.
Ang IRR ng naturang batas ay natapos na nitong Miyerkules, Oktubre 14, pero ang Anti Terror Law ay epektibo na noon pang buwan ng Hulyo.
Sa ngayon ay humaharap ito sa mahigit 30 petisyon sa Supreme Court (SC) na kumukuwestiyon sa ligalidad ng naturang batas. (Josephine Patricio)