Advertisers

Advertisers

Red Cross ipinahinto ang COVID-19 test na sagot ng PhilHealth

0 221

Advertisers

ITITIGIL muna ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagtanggap ng Covid-19 swab test na pinondohan ng PhilHealth.

Ayon sa PRC ito ay dahil na rin sa tumataas na outstanding balance  ng PhilHealth na umabot na sa P930,933,000.

Kabilang sa mga hindi na muna tatanggapin ng PRC na mga specimen ay mga OFW na dumating sa seaport at airport, frontliner , government workers, mga indibidwal sa mga mega swabbing facility  at local government units (LGUs), health workers at iba pa na kasama sa expanding testing guidelines ng Department of Health (DOH).



Ayon sa PRC, tinapos na lamang nitong ang natitirang specimen  na naka-charge sa PhilHealth.

Habang ang tatanggapin na lamang na specimen ay mga pribadong organisasyon o kumpanya, mga nag-book sa red cross helpline at online, mga LGU na may laboratory agreement  sa PRC.

Sinabi ng PRC na hindi madali ang kanilang naging desisyon subalit nais lamang nilang ipaalam na  hindi unlimited ang kanilang resources  tulad ng test kits at iba pang gamit sa kanilang laboratory. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">