Advertisers

Advertisers

Cook, tiklo sa ‘damo’

0 227

Advertisers

Arestado ang babaeng cook nang makuhanan ito ng dalawang kilo ng marijuana sa kahabaan ng Juan Luna at Moriones St, Tondo, Maynila.
Kinilala ang suspek si Aida dela Cruz, 49, residente ng No. 1670 Juan Luna St. Brgy. 61 District 1 Tondo, Maynila.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng bust bust operation sa nasabing lugar laban sa suspek kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang dalawang kilo ng marijuana na naka-packaging tape na nagkakahalaga ng P240,000.
Kinasuhan si Dela Cruz ng Illegal Sale of Dangerous Drugs.(Jocelyn Domenden)