Advertisers

Advertisers

Jennylyn inamin, ‘di na sila nag-aaway ni Dennis; Megan at Mikael binisto, marumi ang sahig ng bahay

0 221

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

SA  kani-kanilang  Instagram ay nagbulgaran ang mag-asawang Megan Young  at  Mikael Daez.

Naunang  nagbulgar  si Mikael  na nangingitim  ang  talampakan ni Megan.  Ipinakita  niya  ito habang  natutulog  si Megan.  Kaagad namang gumanti  si Megan para  ipakita  ang paa ni Mikael na mas  marumi  pa ito.



Sabi  ni  Mikael, hard worker ang kanyang  misis. Inamin  ni Megan na talagang  masipag siya.

Inamin  naman ni Mikael  na  marumi  ang sahig  ng kanilang  bahay ni Megan.

Ayon  pa kay  Mikael,  nag-aayos pa sila ng  kanilang  gamit  kaya marumi  pa ang kanilang bahay.

Grabe ang pagmamahal  ni Megan kay Mikael. Sa laki ng kanyang pagmamahal  sa mister ay napaiyak ito nang sabibin ni Mikael na maghihiwalay  sila sa istorya ng kanilang serye.

Serye  lang  yun  pero napaiyak  na si Megan dahil  ‘di raw nito ma-take na maghihiwalay sila ni Mikael.



***

NGAYON pa lang ay excited na si Winwyn Marquez  na maging  ganap  na  military  reservist sa ilalim ng  Philippine Marines.

“A  few  more  weeks,”  post niya  sa kanyang Instagram story  na  makikita  rin ang  kanyang  military  uniform.

Ang  nag-udyok  daw  kay Winwyn  para  sumali  ng Army Reserve  Command  ay  para maprotektahan  ang  kanyang pamilya at bayan.

“Pero  the biggest  factor  was  yung sinabi na you can  serve  your country  and  you  can serve people. Dun pa lang hindi  na  ako nagdalawang-isip  kasi  my  heart is  for  service. I`m not sure  if  people  noticed  this, but  yung  path  ko  laging  papunta  doon.

“Yes, I`m  a  beauty  queen pero  I  see this  as  a new  title  and I`m  proud  to  share  this  with  everyone — that  I`m  gonna  be a  reservist   under  the  marines,” patuloy pa ni Winwyn.

***

“HINDI na  kami  nag-aaway,” agad  na sagot  ni Jennylyn Mercado sa tanong  kung  ano  ang  kaibahan  ng relationship nila ni Dennis Trillo  ngayon kaysa nuon.

Dati  raw  ay  lagi  silang  nag-aaway  kapag  may  project silang magkasama. Hindi  lang  daw  halata  na nag-aaway sila dahil kapag  nasa harap na sila ng camera ay maayos  ang kanilang trabaho at  propesyunal.  Pagkatapos  ng  eksena  saka  sila  uli  mag-aaway.

“Dito  sa  I Can See You: Truly, Madly, Deadly, smooth  ang trabaho namin  at  natapos  namin  ang  four  day lock-in taping na smooth  ang  trabaho  namin,” say ni Jennylyn.

Napangiti  naman si Dennis habang nagkukuwento  si Jennylyn  na nag-aaway sila noon dati sa taping. Ibig lang sabihin ay totoo  ang pinagsasabi  ni Jennylyn  na madalas silang mag-away noon kumpara ngayon.

Makakasama  nina Jen at Dennis sa serye si Rhian Ramos na kahihiwalay  lang  sa  foreigner boyfriend. Kaya mapapansin sa serye na sobrang  payat ni Rhian dahil  apektado  sa bad break-up sa dayuhang  karelasyon.