Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
BONGGA at nakaka-touch ang emotional video na pinost ng mag-asawang Dimples Romana at husband na si Boyet sa Instagram.
Makikita sa IGTV ni Dimples ang bonggang regalo nila sa kanilang kasambahay na si Ate Vi.
Sa introduction ng mag-asawa sa vlog na pinupuri nila ang kasambahay dahil pag-aalaga, kabutihan at hindi sila nilayasan o iniwan noon panahon hindi nila ito nabibigyan ng suweldo sa loob ng 7 buwan.
Halos lahat ng desisyon ay isinasama nila ito kahit sa pagpili ng mga bahay na ipinupundar dahil itinuring na nila itong kapamilya.
Gusto ng mag-asawang Dimples at Boyet na gantihan ang halos dalawang dekadang paglilingkod sa kanila ni Ate Vi.
Makikita sa vlog na iniikot ng mag-asawa ang kanilang kasambahay sa buong bahay. Tinanong nila ang reaction ng kasambahay kung ano ang masasabi nito sa ayos at hitsura ng bahay. Okey at aprubado naman kay Ate Vi ang bagong bahay.
Patuloy sa pag-iikot at pagdating sa ikalawang palapag ng bahay ay bumungad ang stand-in life size na larawan ni Ate Vi at may mga balloon pa na nagpapahayag na, “Oo, para saiyo ito” na ibig sabihin ay ipinagkaloob nilang mag-asawa ang bahay sa kanilang kasambahay.
Natural lang sa sobrang saya ay napaiyak si Ate Vi dahil hindi siya makapaniwala na mabibiyaan siya ng bahay.
Hindi rin napigilan nina Dimples at mister na si Boyet na mapaiyak din dahil sa nasaksihang kasiyahan ng kanilang kasambahay.
Sabi nina Dimples at Boyet na wala silang maisip na regalo para pasalamatan si Ate Vi kundi bigyan ito ng sariling bahay.
***
NABULABOG ang mga netizen nang masilip ang halos lumitaw nang “flower” ni Maxine Medina sa ipinost nitong larawan.
Hindi nakaligtas sa matatalim na mata ng mga barako at followers ng former beauty queen/actress ang halos bumulagang hiyas nito sa larawan na nakaupo.
Ang post ay may hawak na beauty product si Maxine habang nakaupo sa gilid ng jacuzzi. Bahagyang nakaangat ang kanyang paa kaya halos masilayan na ang pisngi ng kanyang “flower” na hindi nagawang takpan ng makitid na suot na bathing suit.
Ang halos bumulagang “flower” tuloy ni Maxine ang napansin ng kanyang mga followers at pinagsabihan siya ng mga supporter niya sa halos sumungaw na niyang hiyas.
Pero tila dedma lang ang former beauty queen turned actress na pinagpipistahan ng mga netizen ang halos lumabas na pisngi ng kanyang pagkababae.
In fairness ay sadyang napakakinis ng balat at kutis ni Maxine kaya lalong tumitingkad ang kanyang
kaseksihan sa two piece swimsuit.