Advertisers
INILABAS sa media kamakailan ng pinuno ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Andrea Domingo ang ideyang gawing ligal ang “online sabong”.
Siyempre, ang layunin ni Domingo sa nasabing ideya ay upang madagdagan ang kita ng PAGCOR.
Sa gayon, lalong lumaki ang kita ng pamahalaan mula sa casino at online gambling ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ngunit, hindi tinukoy ni Domingo na ang pagpapalutang ng kanyang ideya sa media ay upang ‘saklolohan’ at ‘protektahan’ ang iligal na online sabong ni Atong Ang.
Iligal ang online sabong dahil hindi ito rehistrado sa PAGCOR at sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kaya, walang kinikita ang pamahalaan mula sa online sabong.
Pero, syempre kumikita ng limpak-limpak na salapi si Atong Ang at mga taong pasok dito.
Hindi ko lang alam kung nakapag-uuwi ng pera sa kani-kanilang pamilya ang mananaya sa online sabong.
Alam n’yo, hindi maganda ang ideya ng PAGCOR na iwasiwas sa publiko na gawing “ligal” ang “iligal” na sugal.
Ang pinakamahusay na dapat na ginawa ni PAGCOR Chairperson Domingo ay humingi siya ng tulong sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagpapatigil sa online sabong at pagpapahuli sa lahat ng taong sangkot dito.
Hindi nakapagtatakang galak na galak ang may pakana ng online sabong dahil mistulang kinakampihan pa ng PAGCOR ang naturang iligal na sugal.
Ang pahayag ay posibleng pagdudahang binibigyang ‘sinasalo’ at ‘proteksyon’ si Atong.
Pokaragat na ‘yan!
Uulitin ko, iligal ang online sabong.
Kaya, iligal ay upang umiwas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Kung gustong magbayad ng buwis ni Atong Ang sa pamahalaan ay siguradong inalok na niya noon pa sa PAGCOR ang online sabong.
Kung ligal na negosyo ang gusto ni Atong, matagal nang naghain ang kanyang kumpanya ng “business plan” sa PAGCOR.
Kaso, hindi ito ginawa ni Atong.
Ano ba ang negosyo ni Atong mula noon?
Hindi ba’t iligal na sugal.
Nang maging pangulo ang kaibigan niyang si Joseph “Erap” Estrada noong 1998, hindi ba’t iligal na sugal ang pinagkaabalahan niya.
Pati nga teritoryo ni Luis Chavit Singson sa Ilocos Region ay gusto niyang agawin kung saan nadiskubreng ‘binasbasan’ pala ni Estrada.
Mula sa pagkabagsak, nakabangon si Atong sa administrasyon ni Pangulong Benigo Simeon Aquino Cojuangco III.
Nagpatuloy ang pamamayagpag ni Atong ngayong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang lumilitaw na katangian ni Atong ay palakaibigan ito sa lahat ng administrasyon.
Hindi nga ginagalaw ng PNP at NBI ang mga pasugalan ni Atong, tapos gawing ligal ang online sabong ang papakawalang ideya ng PAGCOR.
Pokaragat na ‘yan!
Malabong mangyaring pumayag si Atong na maging ligal ang online sabong dahil sa isyu ng buwis.
Sa iligal ay walang buwis.
Tapos, hindi pa magagalaw ang nasabing iligal na sugal kahit pa napakatalamak nito.
Sampol: ilang araw na ang nakalipas ay kumilos ang tauhan ng PNP – Batangas laban sa reklamo hinggil sa iligal na sabong, ngunit sabi ng isang kolumnista ay hindi ginalaw ng mga pulis ni Col. Rex Arvin ang online sabong ni Atong.
Pokaragat na ‘yan!
Masyado namang mga pulis na ‘yan na pinamumunuan ngayon ni Col. Malimban.
Tapos, kakaladkarin sa media ang ideyang gawing ligal ang online sabong.
Anong mahika kaya ang nangyari upang mamili at Ilagan ng mga tauhan ni Malimban ang talamak na online sabong ni Atong.
Ang impormasyong lumalabas ngayon sa media ay sobrang tindi na raw ng online sabong ni Atong na nakabase sa Batangas.
Pokaragat na ‘yan!
Ang pagtaya sa online sabong ay sa pamamagitan ng online na rin – Gcash, Pay Maya at iba pa.
Sumasabay sa pag-unlad ng teknolohiya.
Maparaan, madiskarte para hindi masukol.