Advertisers

Advertisers

Motorcycle taxi, papasadang muli pero…

0 269

Advertisers

Papahintulutan ng pumasadang muli ang mga motorcycle taxi na kung tawagin ay “angkas” ngunit napakaraming patakaran gustong ipatupad ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Task Force Against Covid-19.

Isa sa gustong ipatupad ng mga nasabing task force na ito ang paggamit muli ng barrier na dati na nilang inobligang gamitin ng mga riders na may angkas.

Maraming gumagamit ng motorsiklo at mga eksperto ang umalma sa patakarang ito dahil umano sa hindi raw praktikal at hindi rin angkop na gamitin ang barrier sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.



Delikado rin anila, hindi epektibo at panibagong gastusan na naman daw ito sa halip na pambili na lamang ng mahahalagang bagay tulad ng pagkain, gamot at marami pang iba na mas higit na kailangan sa panahong ito.

Una ng pinatupad ito ng mga nasabing task force ilan buwan na ang nakakalipas ngunit mismong sila rin ang nagbasura nito sa kadahilanang may katuwiran at punto ang mga kumontra dito. Eh bakit nga ba muling pinagagamit ang barrier na ito?

Baka hindi na raw makahinga ang mga tao dahil sa sobrang dami ng gadget at props sa katawan na lumalabas na over-acting na ang dating. Mantakin niyong meron ng face mask at close helmet, dadagdagan pa ng barrier tsk tsk tsk.

Bukod sa barrier, obligado rin daw na magkaroon ng partikular na helmet na gamit ang kanilang i-aangkas dahil mahirap daw ang maghiraman.

Kung sa bagay ay may punto de vista sila diyan dahil halimbawang merong kuto o lisa ang taong may-ari ng helmet eh patay tayong bata ka. Maaari rin daw na mabugahan ka ng droplet mula sa anit at buhok upang ikaw ay mahawa ng covid-19 hehehe…



Ang mabigat dito ay ang panibagong bilihan at gastos na naman daw ang dadanasin ni Juan de la Cruz sa kabila ng tinatamong hirap at sakripisyo nito dahil sa pandemic na ito.

Ayos lang daw dahil maaari mo naman gamitin ito ng lifetime at pwede ring maging souvenir kapag nalagpasan itong killer virus na ito.

Sana naman ay huwag ng obligahing gumamit ng barrier ang mga rider dahil base raw sa ginawang pag-aaral ng ilang eksperto, napag-alaman umano na ang mga nakasakay sa motorsiklo ay hindi basta-basta kakapitan ng virus dahil ito ay nasa open-air at siguradong papadparin ng hangin ang anumang elemento na makakasama sa ating kalusugan.

Malaki nga naman ang posibilidad na mas ligtas ang mga lulan ng motorsiklo kaysa sa anumang sasakyan tulad ng kotse, dyip, bus o maski na eroplano dahil sa kulob ang mga ito at walang pagda-daluyan ang hangin. Natural kayo-kayo ring mga sakay nito ang maglalanghapan, di po ba?