Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NABA-bash ngayon ng mga netizen si Paolo Ballesteros dahil sa pag-walkout daw nito sa taping ng sariling TV show na Bawal na Game Show na napapanood sa TV5.
May nagsabi na tila lumalaki na raw ang ulo ngayon ni Paolo dahil may attitude na anya ito.
Ayon sa unconfirmed report, nag-walkout daw ito sa nasabing game show dahil sa naging alitan nito sa security guard na ayaw siyang papasukin ng studio papunta ng set.
Imbes na papasukin ay pinagsabihan pa raw ng guard si Paolo na sa ibang pasukan siya pumasok o dumaan.
Kahit na nagtanggal na raw ng face mask at shield si Paolo para makilala ng guard ay hindi pa rin daw ito pinapasok. Tila hindi raw yata ma-take ng TV host/comedian na hindi siya kilala ng guard kaya dinedma at ayaw papasukin.
Kaya sa inis daw ni Paolo ay nagdesisyon na lang na hindi na pumasok at magreport sa taping ng sariling show.
Ayon sa production ng show ay hindi raw nakilala si Paolo ng guard dahil bago itong naatasan magbantay sa studio.
Tinawagan daw ng production si Paolo pero hindi raw sumasagot ang actor/TV host.
Samantala, bukas ang pahina namin para sa sagot ni Paolo.
***
GUSTO nang mabura ni Kim Domingo ang image na Pantasya ng Bayan kaya unti-unti na siya nagli-lielow sa pagpapaseksi sa project na natatanggap.
Maging sa pagiging mainstay ng longest running gag show sa telebisyon na Bubble Gang ay hindi na siya gaanong nagpapaseksi although nandoon pa rin ang naughty role para magpatawa at hindi para magpainit ng dugo ng mga barako.
Binabawasan ni Kim ang mga sexy role mula nang nakasama niya si Marian Rivera sa Super Ma`am na isang fantasy serye na nagkaroon siya ng mga fan na bata.
“Nagkaroon po ako ng mga fans na mga bata na nakaka-appreciate sa akin, kaya doon ko naisip mag-lielow sa mga sexy role na ginagawa ko,” say ni Kim sa kanyang vlog.
“Ang sarap pala sa feeling na hindi lamang puro lalaki ang nakaka-appreciate sa iyo, kaya nag-decide akong gusto ko namang mapansin nila ang talent ko bilang actress.”
Kahit na desidido na si Kim layasan ang image na pagiging Pantasya ng Bayan ay nananabik na ang kanyang mga barakong followers na makita at mapanood pa rin siya Bubble Gang kasama ng mga sexy ring actress na sina Andrea Torres, Valeen Montenegro at iba pa.