Advertisers

Advertisers

Voter registration mula Lunes hanggang Biyernes na lang simula Nov. 9 – Comelec

0 352

Advertisers

SUSPENDIDO muna ang voter registration sa mga tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa October 31.
Sa abiso ng Comelec, ito ay para sa paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Day.
Ayon sa Comelec, isasara ang lahat ng Office of the Election Officer  (OEOs) sa nasabing petsa.
Magbabalik ang voters registration sa November 3, araw ng Martes.
Ang voter registration naman simula sa November 9 ay mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Muli namang pinaalalahan ng Comelec ang publiko na sundin pa rin ang minimum health standards at protocol  na ipinatutupad sa at labas ng Comelec offices. (Jocelyn Domenden)