Advertisers
ARESTADO ang 25-anyos na binata nang maglabas ng ari at nilaro ito sa harapan ng kanyang kapitbahay sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.
Kinilala ang suspek na si Adonairam Tabanes Sia, walang trabaho, residente ng Block 37 Lot 14 Brgy. N. Virata, GMA, Cavite.
At kinilala ang nagreklamong kapitbahay na sina Melanie Carbonell, 34; at Gina De Vera De Laon, 45, kapwa residente ng Block 37 Lot 7, Brgy. N. Virata ng naturang bayan.
Sa ulat, 5:00 ng hapon nitong Miyerkules habang nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang sitsitan sila ng suspek na umakyat sa bintana ng kanilang bahay, na hubo’t-hubad, iwinagwag ang kanyang ari saka nagdyakol.
Hindi pa nasiyayahan, sinabihan pa sila na makipagtalik sa kanya.
Agad namang nagtungo sa barangay ang isa sa biktima na mabilis nagresonde ang mga barangay officials na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Kasong paglabag sa RA 11313 o ang “The Anti Bastos Law o ang Safe Spaces Act. (Irine Gascon)