Advertisers

Advertisers

Joel Cruz nagbukas ng bagong negosyo sa panahon ng pandemya

0 1,718

Advertisers

Ni BOY ROMERO

IN the midst of pandemic, the Lord of Scents, Joel Cruz makes a difference. Kung yung karamihan sa mga negosyante ay nagsara ang kanilang mga business, si Joel  naman ay nagbukas ng bagong negosyo ay ito’y ang Takoyatea (Takoyake at Milk tea na located sa Sisa st., corner Retiro st., Sampaloc, Manila.

Nang makausap namin siya sa grand opening ng bagong negosyo, asked namin kung ano ang rason ng pagbubukas ng bagong business sa gitna ng pandemya.



“Yung mga friends ko, e, may kanya-kanyang ibinebenta. Ako naman, I have to patronized them dahil alam ko naman, humihina ang kanilang benta, ako naman, bumibili nang marami, ipinamimigay ko sa office at sa mga kaibigan ko. Minsan, pag nagre-reorder ako, wala na, so sabi ko, ano  ang nangyari? E, di naman daw ganu’n kalakas.

“So, pag tumatawag ako sa kanila, closed na, siguro, it just ran for one month or less than two months, they closed it, so sabi ko, na nakakaawa yun na nga ang kanilang paraan para kumita. Di pa sila nagiging successful.

“Ngayon itong aking pamangkin, si Avic, siya ang gumagawa ng milk tea at yung sister-in-law ko, siya naman ang gumagawa ng Takoyatea, yun, on line lang for the past three months, ginagawa lang nila dito, sa may garahe, nagluluto sila diyan, then ibebenta nila. “Surprisingly, for 4 and a half hours, they can sell P24,000 pesos on line. Wala silang renta and di lang isang beses, kasi matagal na, magti-three months na, bumebenta talaga sila.

“So, sabi ko bakit di n’yo pa ituloy ng gabi o sa umaga, di more than 20, 000 pesos yun. ‘Naku, Tito, pagod na kami, ayaw na raw nila. So, sabi ko magandang business ito. Baka ito ang puwede ko ipa-franchise, ipe-presyo ko lang siyang mura, pero quality yung food. Masarap yung food, Kasi, the fact na , na may nagre-reorder sa kanila, so bumebenta.

“Naisip ko ito nung una for my employees, kasi sa planta namin, everyday, may trabaho sila, dito sa main office, MWF lang.



“Hindi pa rin buo ang kanilang sahod, so Tuesday, Thursday, wala silang pasok, wala silang kinikita, so sabi ko,  ito pag nagawa kong franchising, kasi I’m into franchising business ng Aficionado for the past  17 years and thank God, kumikita naman lahat ang mga tindahan, almost 400 stores ang Aficionado, so sabi ko, proven and tested na kami sa franchising, alam na namin talaga ang lahat.

“Yung procedures, protocols, ganun. Madali ko na itong umpisahan.

“Kaya ang pangalan niya ay Takoyatea, it’s a combination of Takoyaki and milk tea. Yung dalawa, pero nung pumasok na ako, I asked permission from them, sabi ko sa kanila, gusto n’yo papasok ako, i-franchise natin ito kung papayag sila, kasi baka mamaya silang dalawa lang ang nag-i-sip na gawing business.  “Sabi niya, yes tito, okey daw sa kanila ang idea kasi, marami na rin akong connections, kayo media, I have almost 400 franchisees so madali na silang kukuha. So sabi ko, sige, pero dapat we have to maintain the quality of the food and the price is very affordable. Kasi, kung hindi ito affordable,  we cannot target yung market  natin na masa.

“Dapat masa, lalo na ngayong ang mga tao ay medyo, walang masyadong pera. Dapat abot-kaya. pero quality. kasi, marami ring Takoyaki, makakabili ka rin ng milk tea, di ba? So, dapat quality,” mahabang kuwento ni Joel.

Very optimistic si Joel na kikita talaga ang business na ito dahil sa grand opening pa lang ay marami nang nagpakitang interesado, maraming dumating na galing  pa sa iba’t ibang lugar.

“Sa P188,888 na franchise fee, tiniyak naman ni Joel na in less than a month ay mababawi na agad ang return of investment.

Ayaw nya rin daw kasing masira ang kanyang pangalan.

***

INAMIN ng mega producer na si Joed Serrano na bago pa man ang audition para sa lead role ng “Anak Ng macho Dancer,” may napangakuan na siya para maging bida,  si Miko Pasamonte.

Pero habang nagtatagal, umangat daw talaga si Sean de Guzman, na siya nga ang final choice dahil magaling daw talagang umarte at yun talaga ang nakita ng lahat.

Aniya, talagang ginusto ni Miko na mapunta ang role sa kanya at may magagawa raw talaga si Joed dahil siya ang producer, but still, napunta pa rin yun kay Sean. Umiyak daw ang binata, at pinuntahan pa raw niya ito sa kanilang bahay sa Cavite, kinompronta niya at sinabing kasama pa rin naman siya sa pelikula at malaki rin ang role.

Kuwento pa ni Joed na maayos ang buhay ng binata at madiskarte raw ito. May mga business.

Deretso rin naming tinanong si Serrano kung type ba niya si Miko.

“Hindi,” deretso niya ring sagot. “It’s more of tulong lang, kasi siya ang bradwinner sa pamilya.”

Sa November na ang simula ng shoot ng “Anak Ng Macho Dancer” at ito’y sa direksiyon ni Joel Lamangan